MAYOR CEZAR T. QUIAMBAO’S 1st STATE OF THE MUNICIPALITY ADDRESS


Isang taon na po ang lumipas. Ako po muli ay humaharap sa inyo upang mag-ulat sa bayan. Hindi lingid sa inyo na ilang taon din po akong nagmasid at nangarap ng mga positibong pagbabago para sa aking pinakamamahal na bayan ng Bayambang. Subalit dahil sa pagnanais kong mapabuti ang kalagayan ng bawat Bayambangueño, pinasok ko ang magulong larangan ng pulitika.

Ang katanungan sa aking isipan noon ay kung saan tayo mag-uumpisa sa ating kagustuhan maging parte ng pagbabago at pag-unlad. Naisip ko na dapat nakabase ang mga adhikaing ito sa pagsupil sa mga balakid ng kaunlaran.

Kaya’t ang naging konsentrasyon ng ating pakikibaka ay: “LABANAN ANG POLITICAL DYNASTY, KORAPSYON, KAHIRAPAN, AT KRIMINALIDAD.”

Sa punto pong ito, atin pong tunghayan ang mga naging bunga ng ating pagpupunyagi. Bagamat ang mga ito’y umpisa pa lamang, masasabi kong ang mga pagsusumikap na ito, kung susumahin, ay tumatahak sa direksyong ating inaasam lahat, ang daan tungo sa pagbabago at pag-unlad. Ito po ay bunga ng pinagsama-samang hangarin ng bawat Bayambangueño na naniniwala sa administrasyong Quiambao-Sabangan. Kayo na rin po, mga minamahal kong kababayan, ang bahalang humusga kung ang inyong abang lingkod ay nagsilbi ng mahusay at tapat sa inyong pamantayan.

[smartslider3 slider=214]

 


I. ADMINISTRATION

1. Good Governance
2. Sound Fiscal Management
3. Participative Governance

II. SOCIAL SERVICES

1. Komprehensibong Serbisyo sa Bayan
2. Health
3. Education
4. Peace and Order
5. Food Security
6. Employment
7. Operation Birthright
8. Disaster Preparedness

III. ENVIRONMENT

IV. ECONOMIC & INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

1. Administrative Infrastructure
2. Community Infrastructure
3. Economic Enterprise
4. Other Projects
5. What to Expect Soon
6. What to Expect in 2019 and Beyond

I. ADMINISTRATION

1. Good Governance

Ang ating unang ginawa sa ating pag-upo ay ang pagtuunan ang mga sumusunod:

• Ang personnel ang pinakaimportanteng resource ng Municipio, kaya gumawa tayo ng mga hakbang upang maramdaman ng mga empleyado ang kanilang halaga. Una, bumuo tayo ng bagong LGU organizational structure. Nagdagdag tayo ng key personnel, naglikha ng mga bagong plantilla positions, at inilipat ang ilang mga empleyado sa iba-ibang departamento ayon sa kanilang kakayahan at kwalipikasyon.

Total Number of Employees

Year/Permanent/Elective/Co-Terminus/Job Order/Casual/PMO/TOTAL
2015 137 11 2
2016 144 11 2
2017 154 11 2 377 7 630 1,181

• Pangalawa, nagtaas tayo ng suweldo, nagpromote ng mga karapat-dapat, nagbigay ng Loyalty Awards, mid-year bonus at clothing allowance, at nagprovide ng retirement fund.

Loyalty Awards – P1,865,000
Retirement Fund – P2,829,973.69
Midyear Bonuses – P3,480,302.73
Clothing Allowance – P780,000

• Inilunsad natin ang Community Service Card, isang smart card para sa lahat ng taga-Bayambang. So far, 39 barangays na ang ating coverage area, na nangangahulugang may 19,710 na katao na ang nag-apply para magkaron ng smart card na siyang magiging identification ng isang Bayambangueño upang maging top priority sa pagtanggap ng mga serbisyo ng pamahalaang bayan.

Target: 77 barangays, ~90,000 cardholders

Bayambang Community Service Card benefits:
– Priority card
– Health benefit card
– Discount card
– Reward points card
– Libre

• Itinatag natin ang Bayambang Business Center/Negosyo Center, isang One-Stop-Shop para sa pag-issue ng business license at business permit.

No. of Registered Businesses
1st Half – 2nd Half – TOTAL
2014 668 106 774
2015 717 69 786
2016 816 197 1013
2017 (as of June 5) 1080 – –

• Inumpisahan natin ang computerization ng buong Municipio. Ito ay may mga modules para ma-automate ang lahat ng prosesong involved sa revenue generation:

Business Permit and Licensing System (BPLS)
Public Vehicle Regulatory and Billing System (MTOP)
Marketplace Stall Rental Information System (PMR)
Real Property Tax-Mapping
Real Property Tax Administration System (RPTAS)
Treasury and Income Information Data (CASHIER)
Human Resources Information System (HRIS)
Accounting for Collections & Disbursements
Queuing and SMS Notification

• Paperless Medical Documentation

Naging paperless ang documentation ng ating patient records sa RHU matapos i-install ang iClinicSys software.

• Ipinaglaban natin sa korte ang pagbawi sa Bayambang Central School sapagkat naniniwala tayo na ito ay ipinagpalit sa ilegal na pamamaraan

• Naglikha tayo ng mga bagong offices:

– GSO (General Services Office)
– POSO (Public Order and Safety Office)
– PIO (Public Information Office)
– ICT (Information and Communication Technology Department)
– Tourism Office

• Bumili tayo ng mga bagong sasakyan for official use.

Vehicles Municipal Office Amount
1 Motorcycle ASSESSOR P48,500
1 Motorcycle GSO P48,500
2 Motorcycles MO P95,000
1 Motorcycle MAYOR’S OFFICE P52,500
2 Motorcycles POSO P94,000
1 Motorcycle ENGINEERING P49,000
1 Pick-up (Isuzu D-Max) MDRRMC P1,548,000
2 Ambulances (Foton) POSO P1,908,000
3 Avanzas MAYOR’S OFFICE/VICE-MAYOR’S OFFICE P2,577,000
8 Municipal Vehicles (for delivery) RHU 1, RHU 2, DA, ASSESSOR, MPDC, ENGINEERING, POSO, GSO
P6,880,000
1 Pick-up (Jinbei) SWMO P898,000
2 Utility Vehicles (for delivery) ENGINEERING P1,850,000
1 Boom Truck
1 Garbage Truck
1 Ambulance
1 Pick-up (for delivery)
P3,998,000
1 Multicab (for delivery) MSWDO P250,000
13 Multicabs (for delivery)
(+ 3 donations from Kasama Kita sa Barangay Foundation) VARIOUS BARANGAYS P3,250,000
TOTAL P23,546,500

2. Sound Fiscal Management

Sa larangan naman ng Fiscal Management, ito ang mga maitatala:

• Nagkaroon tayo ng full disclosure policy at accountability. Siniguro nating transparent ang ating mga financial reports.

Reports Posted in Full Disclosure Policy Portal (FDPP) Website and FDP Board
– 20% Component IRA Utilization
– Local Disaster Risk Reduction and Management Fund Utilization
– Trust Fund Utilization
– Statement of Cash Flows

• Nakakuha tayo ng mas malaking aprubadong budget kumpara noong 2015: mula P206M, naging P435M ito noong 2016 minus P187.7M na loan, at sa taong ito, ay naging P412M na walang loan. Ito ang pinakamalaking municipal budget sa buong Pangasinan.

2015 P206M
2016 P435M minus P187.7M loan
2017 P412M (no loan)

• Tumaas ang ating local revenue kumpara sa nakalipas na 2 taon:

July-December CY 2015 (Previous Term) vs July-December CY 2016 (Start of Quiambao-Sabangan Administration)

From P11,183,369.61 to P29,118,251.17 – a remarkable increase of 160.37%

January-April 2016 vs January-April 2017

From P17,501,730.18 to P45,277,630.07 – a remarkable increase of 158%

Sources of Revenue
– Community Tax Certificate
– Real Property Taxes
– Business Tax
– Permit Fees
– Inspection Fees
– Occupation Fees
– Fees from Sealing and Licensing of Weights and Measures
– Share from PAGCOR
– Miscellaneous Income

Subsidies, Donations, Cash/Financial Assistance
(Jul.-Dec. 2016)
Total Amount: P11,018,318.00
Beneficiaries: Various Barangays, Schools, and Individuals

• Bumalangkas tayo ng bagong Local Revenue Code at bagong Market Code sa tulong ng LGA o Local Government Academy. Ang Local Revenue Code ay huling inupdate noong 2011 pa. Ito ay inupdate natin para maging mas responsive ito sa demands ng makabagong panahon.

• Nagsagawa tayo ng agresibong tax education campaign at naglunsad ng tax-mapping upang lumaki ang koleksyon ng buwis sa mga sumusunod na barangay:

Magsaysay
Mangayao
Telbang
Nalsian Norte
Bani
Paragos
San Gabriel II
Bongato East
Bongato West
Macayocayo
Langiran
Tococ East
Mangabul

3. Participative Governance

• Dahil tayo ay naniniwala sa participative governance, binuhay muli at ginawang functional ang mga special bodies.

Economic Cluster

1. Business Permits and Licensing System (BPLS)
2. Local Economic and Investment Promotion Officer (LEIPO)
3. Local Poverty Reduction Action Team (LPRAT)
4. Municipal Price Coordinating Council (MPCC)
5. Municipal Tourism Council
6. Small and Medium Enterprise Development Council

Social Protection Cluster

Health
7. HIV Board
8. Municipal Health Board
9. Municipal Nutrition Committee
10. Municipal Physical Fitness and Sports Development Council (MPFSDC)

Education
11. Local School Board (LSB)
12. Municipal Literacy Coordinating Council (MLCC)
13. Bayambang Municipal Council for Culture and the Arts (BMCCA)

Agriculture
14. Philippine Rural Development Program – Municipal Program Management and Implementing Unit (PRDP-MPMIU)

Libre ang panganganak sa RHU 1.Libre ang panganganak sa RHU 1.

Social Welfare
15. Gender and Development Focal Point System (GFPS)
16. Local Council for the Protection of Children (LCPC)
17. Local Council of Women (LCW)
18. Municipal Advisory Committee for 4P’s
19. Municipal Committee on Anti-Trafficking and Violence Against Women and Their Children (MCAT-VAWC)
20. Housing Board
21. Local Youth Development Officer (LYDO)
22. Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA)

Environment Management and Climate Change Cluster

23. Municipal Agriculture and Fisheries Council (MAFC)/Inland Fisheries
24. Municipal Solid Waste Management Board (MSWMB)
25. Water Sanitation Council (WATSAN)

Peace and Order and Public Safety Cluster

26. Mamamayan Laban sa Droga at Anomalya (MASA MASID)
27. Municipal Anti-Drug Abuse Coordinating Council (MADAC)
28. Municipal Disaster Risk Reduction Management Council (MDRRMC)
29. Peace and Order Council (POC)
30. People’s Law Enforcement Board (PLEB)

Infrastructure Cluster

31. Project Monitoring Committee (PMC)

Governance Cluster

32. Citizen’s Charter Team (CCT)
33. Executive Legislative Agenda (ELA) Team
34. Grievance Committee
35. Bids and Awards Committee (BAC)
36. Committee on Decorum and Investigation (CODI)
37. Planning Team
37. Municipal Development Council (MDC)

• Dahil sa Health Board kaya tayo ay nagkaroon ng proyektong Komprehensibong Serbisyo sa Bayan.

• Aktibong-aktibo lalo na ang Bayambang Municipal Council of Culture and the Arts sa paglunsad ng mga aktibidades na nagpapayabong sa kasaysayan at katutubong kultura ng Bayambang. Binuhay ng BMCCA ang ating mga tradisyon. Dahil sa kanila, napakasaya ng ating naging kapistahan. Sa unang pagkakataon, nagkaroon tayo ng Cutest Baby Contest, Bayambang Master Chef, Mural Painting Contest, Himno contest na nagbunga ng official hymn ng Bayambang, isang prestihiyosong Binibining Bayambang, at iba pang events tulad ng Singkapital at Anyanian ed Bayambang.

– Anyanian ed Bayambang
– Taotaoag Tradition
– Cutest Baby Contest
– Bayambang Master Chef
– Mural Painting Contest
– Balon Bayambang Himno Contest
– Cancionan
– BayamBands
– Binasuan Dance Contest
– Binibining Bayambang
– Singkapital
– Byaheng Tirad Pass
– Rizal Day
– Independence Day

• Active din ang Sports Council na naglunsad ng mga sportsfest, fun run at iba pang aktibidad.

– LGU Sportsfest
– Inter-Barangay Sportsfest
– POGI Cup
– Inter-LGU Unity Games (Basketball and Volleyball Competition)
– Taekwondo
– Swimming
– Balon Bayambang Color Run
– Pagbuo ng basketball team, ang Bayambang Warriors, at volleyball team, ang Bayambang Lady Warriors
– Libreng panood ng sports matches

• Naging aktibo rin ang Local Council of Women sa pagsulong sa kapakanan ng kababaihan.

Bayambang Local Council of Women Activities
– Women’s Month Program
– Walk for a Cause
– Parade of Iconic Women in Costume
– Storytelling with Special Children
– Spa Party, Free Haircut, Free Massage
– Slogan-making Contest
– Women’s Forum on Gender Rights
– Women’s Forum on Violence Against Women and Children
– Cooking Lecture
– Zumba Dancing
– Visit to Women’s Correctional
– Binibining Bayambang; Toastmasters Training; Training with Evangeline Pascual

• Nagkaroon din tayo ng accreditation ng mga 28 Civil Organizations.

Accredited Civil Society Organization (Non-Governmental Organization) of the Municipality
1) Reaction 166 (RCG) Animal Kingdom
2) Maaliguas Farmers Association
3) Sancagulis Multi-Purpose Cooperative
4) San Gabriel 1st Farmers Association
5) Sigla Farmers Association
6) Dusoc Women’s Association
7) Bayambang Culture and Arts
8) Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc.
9) Day Care Workers’ Association
10) Samahan ng mga Kababaihan
11) Federation of Senior Citizens Association
12) Prove Com. Worldwide Inc.
13) Prime Movers for Peace and Progress Association, Inc.
14) Bayambang Onion Growers Multi-Purpose Cooperative
15) Bautista-Bayambang-Carmen (BABACAR) Transport Group
16) Gabay sa Bagong Pag-asa ng Macayocayo, Inc.
17) Caturay Farmers’ Association
18) Bayambang Day Care Workers
19) Bayambang Express Van Association Incorporation
20) Center for Agrarian Reform, Empowerment and Transportation, Inc. (CARET, Inc.)
21) BHW Federation Rural Health, Unit 1, Bayambang, Pangasinan
22) Katipunan ng mga Samahang Magsasaka at mga Kooperatiba sa Pangasinan (KASAMAKOPA)
23) Samahang Magbubukid ng Tatarac Cooperative
24) Filipino Alliance Movement Support Group
25) Sangcagulis Multi-Purpose Cooperative (SMPC)
26) Gabay Bagong Pag-asa ng Banaban Incorporated
27) Rotary Club of Bayambang
28) Bayambang Business Association

• Nagkaroon tayo ng regular na Executive Session with the Punong Barangays.

• Nagkaroon din tayo ng community consultation sa pamamagitan ng Komprehesibong Serbisyo sa Bayan.

II. SOCIAL SERVICES

May kasabihan tayong “Those who have less in life should have more in law.” Ito ang ating polisiya pagdating sa pagbibigay ng mga social services. Lahat ng pwedeng paraan ay ating sinubukan upang makatulong maibsan ang paghihirap ng ating mga maliliit na kababayan. Sa loob ng isang taon, masasabi kong ginawa natin ang lahat ng ating makakaya upang labanan ang kahirapan.

1. Komprehensibong Serbisyo sa Bayan

Dahil napakalawak ang sakop ng Bayambang…

• Inilunsad natin ang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan upang iparating sa malalayong barangay ang mga serbisyo publiko na sa sentro lamang maaaring matamasa.

Medical Services: • circumcision • excision • ultrasound • X-ray • immunization • prenatal and postnatal checkup • advice on responsible parenthood • laboratory test • health education for seniors and teens • tooth extraction • provision of dentures • dental hygiene lecture with toothbrushing drill • tooth fluoridization

Social Services: • senior citizen ID application • solo parent registration • person with disability registration • mother’s class • livelihood training • anti-rabies injection for cats and dogs • cattle vaccination • cattle castration • vegetable seed and seedling distribution

Other Services: • application for Late Registration of Birth • application for Community Service Card • tax declaration • real property tax assessment • application for business permit and licensing

District Venue Number of Beneficiaries
District 1 Warding 950
District 2A Manambong Sur 739
District 2B Bongato East 579
District 2C Pantol 554
District 3 Amancosiling Sur at least 950

2. Health

Batid nating pinakamahalaga ang buhay at kalusugan, kaya’t minarapat nating gawin ang mga sumusunod:

• Nagkaroon tayo ng expansion ng RHU 1 at RHU 2, at nagdagdag ng mga gamot, equipment, at mga empleyado.

Summary of RHU I & II Expansion, Upgrade, and New Acquisitions

Increased
– Medicines – P2+M
– Laboratory supplies – P387,200

New manpower
– 5 Midwives
– 2 Nurses
– 1 Medical technologist
– 3 Pharmacists
– 1 Dentist

Expansion
– Delivery room
– Dental room
– Pharmacy room

New equipment/Acquisitions
– Wheel chairs
– 4-Fork crane
– IV stand
– Dental chair with paraphernalia
– Autoclave
– Oxygen tank
– Detecto weighing scales for RHU 1 & 2 – P930,000

Blood donation drives – Total: 5
– August 26, 2016 – Municipal Covered Court – 70 volunteers
– Dec. 8, 2016 – Wawa Elementary School – ~50 volunteers
– February 14, 2017 – Bayambang National High School Gymnasium – 53 volunteers
– March 24, 2017 – Saint Vincent Catholic School – 83 volunteers
– June 23, 2017 – Wawa Elementary School – 50 volunteers

Other activities
– Suyod TB (to find TB cases)
– Leptospirosis awareness drive
– Lactation Management Education Training and creation of Breastfeeding Support Groups

• Nabigyan tayo ng 1,200 sqm na loteng donasyon ni Rufino Romano ng Brgy. Carungay para sa RHU 4. At mayroon ding 800 sqm na loteng donasyon mula sa Brgy. Macayocayo na pinamumunuan ng Punong Barangay Mario Cariño and family para sa RHU 4.

• Implementation of Anti-Rabies and Anti-Dengue Program

Naglunsad tayo ng information drive at bumili ng vaccine laban sa rabies. Tayo rin ay nag-fogging at nagbigay ng larvicidal agent laban sa dengue.

Nagbakuna rin tayo laban sa rabies para sa mga hayop sa lahat ng barangay.

Massive Rabies Vaccination (July 2016-June 2017)
Number of Barangays Covered: 77
Total Number of Dogs and Cats Vaccinated: 13,216

• Level 2-accredited na ng Department of Health ang RHU 1. (Note: Libre ang panganganak sa RHU 1.)

• Comprehensive Feeding Program for Malnourished Children

Inalis natin ang Bayambang sa Child Malnutrition List sa pamamagitan ng:

• Pag-appoint ng Municipal Nutrition Action Officer
• Paglaan ng P6.5M sa 2017 para sa nutrisyon
• Paglunsad ng intensive (three meals a day) feeding program for 3 months (Disyembre 2016-Marso 2017) – P5.49M

Dati tayo ay No. 1 sa rehiyon at No. 4 nationwide sa malnourishment. Ngayon, ang Bayambang ay inalis na sa Top 20.

• Bumili tayo ng 2 bagong ambulansya, na nakatulong sa 414 na indibidwal.

Oct-Dec 2016: 62
Jan 2017: 30
Feb: 53
Mar: 73
Apr: 59
May: 137
TOTAL 414

• Nagbigay tayo ng libreng medical, burial, at emergency shelter assistance sa 1,510 na katao sa halagang P2.1M+.

Jul.-Dec. 2016 / Jan.-May 15, 2017
Medical Assistance Beneficiaries: 506 / 453
Total Expenses: P763,000 / P699,300
Burial Assistance Beneficiaries: 350 / 149
Total Expenses: P420,700 / P226,500
Total Number of Beneficiaries (Jul. 2016 – May 15, 2017): 1,504
Total Expenses (Jul. 2016 – May 15, 2017): P2,109,500
Number of Beneficiaries of L300 Services (Feb.-May 15, 2017): 75 patients

• LGU initiative: Pagtatag ng St. Vincent Ferrer Dialysis Center para sa mahihirap na pasyente ng Bayambang.

• Physical Fitness

Suportado natin ang mga athletic activities sa tulong ng Municipal Physical Fitness and Sports Development Council sa pamamagitan ng pagdaraos ng mga aktibidad na ito:

– LGU Sportsfest
– Inter-Barangay Sportsfest
– POGI Cup
– Inter-LGU Unity Games (Basketball and Volleyball Competition)
– Taekwondo
– Swimming
– Balon Bayambang Color Run
– Pagbuo ng basketball team, ang Bayambang Warriors, at volleyball team, ang Bayambang Lady Warriors

• ZumBayambang

Suportado rin natin lalo na ang Zumba dancing. Ang ZumBayambang ay sinasabing pinakamarami ang miyembro sa buong Pangasinan, with almost 1,000 registered members.

• Tayo ay nag-welcome ng 3 medical, surgical at dental mission ng iba’t-ibang grupo, na kung saan libo-libo ang nakinakabang sa mga libreng gamot at medical at dental services.

Dental Mission (November 26-27, 2016): Southern California Filipino Dental Society, Centro Escolar University, and University of the East; 810 beneficiaries
Medical-Dental Mission (April 1, 2017): Bankers Association of the Philippines (BAIPHIL) and SM; 2,500 beneficiaries
Medical-Dental Mission (May 20, 2017): Community of Praise-Parañaque City and Luzon Convention of Southern Churches Inc.; 1,870 beneficiaries

3. Education

Tayo rin ay naniniwalang edukasyon ang isa sa mga susi sa pagpuksa sa kahirapan. Sa LGU ng Bayambang, naipamalas ito sa pamamagitan ng scholarship para sa 154 deserving na estudyante ng Bayambang para sa SY 2016-2017. Ang budget na inilaan para rito sa taong 2017 ay P2M.

• Pagbigay ng karagdagang buget sa Special Education Fund (SEF), mula sa P1.6M noong 2015 hanggang P6.3M para sa 2016 at P8.75M sa 2017. Ang malaking bahagi ng SEF ay napunta sa construction o repair ng school buildings.

From P1.6M (2015) to P6.3M (2016) to P8.75M (2017)

• Pagkakaloob ng Mayor’s salary para sa Special Education Fund sa loob ng tatlong taon.

1-Year Salary of the Mayor P457,402.95

Total Special Education Fund for 2017: P9,629,000.00

• Breakdown of SEF budget for 2017 (P8,750,000)

Bayambang I P3,921,700.00
Bayambang II P2,403,771.93
Secondary Schools P3,103,528.00

• How SEF is spent by schools for 2017

Infrastructure Project (School Buildings) P7,079,000.00
School Activities P1,683,000.00
Sports P867,000.00

• Nagpamigay tayo ng school bags at iba pang school supplies sa libo-libong estudiyante ng iba’t-ibang pampublikong paaralan ng Bayambang. – P5.519+M noong 2016 at P4.299+M noong 2017

School bags 23,071
Notebooks 78,854
Pencils 6,933
Ballpens 11,235
Umbrellas 19,071
LED TV 1
Desktop computer 1
Printer 1

• Nagdonate tayo ng mga aklat sa iba-ibang paaralan sa tulong ng Rotary Club of Bayambang.

Books Donated to Bayambang Schools

A.P. Guevarra Integrated School 73 volumes
Sanlibo National High School 73 volumes
Tanolong National High School 73 volumes
Moises Rebamontan National High School 73 volumes
Beleng National High School 73 volumes
Hermoza National High School 73 volumes
Ambayat Integrated School 73 volumes
Liahona Learning Center Inc. 34 volumes

• Pagtatag ng Polytechnic University of the Philippines-Open University system. Ito ay mago-offer ng Masters in PublicAdministration para sa mga LGU employees at 4-year courses na Entrepreneurship at Mass Communication para sa lath ng may gustong mag-enroll.

• Sa nonformal education, maraming naging livelihood programs at training seminars:

– Electrical Technician
– Computer Software Servicing
– Broiler Production
– Housekeeping
– Security Guard Training
– Doormat-Making/Dress-Making
– Sari-sari Store Operation
– Duck-Raising
– Goat-Raising
– Body Massage (Swedish, Thai)/Reflexology/Ventosa
– Cosmetology

4. Peace and Order

Walang saysay ang lahat ng ating pinagpaguran kung walang kapayapaan at kaayusan, kaya ating isinakatuparan ang mga sumusunod:

• Nagtatag tayo ng Public Order and Safety Office (POSO) upang pagandahin ang traffic at parking management gamit ang Traffic Management System – P4.7+M.

• Naglunsad ng Bayambang HELP Hotline (#4357) or (075)633-2977.

• Nagpatayo tayo ng isang 24/7 CCTV Command Center, na may 25 active HD cameras at naglaan ng P2.7M para sa karagdagang 25 CCTV cameras.

• Naglaan tayo ng P3.6M para sa street signages at streetlights.

• Nagkabit tayo ng traffic lights sa halagang P4.7M.

• Bumili ang POSO ng mga motorsiklo at 100 piraso ng plastic barriers.

• Naglaan tayo ng P3.6 M para sa 8 presinto ng pulis sa mga sumusunod na barangay.

Buayaen
Tampog
Reynado
Inanlorenza
Beleng
Amanperez
Manambong Sur
Nalsian Norte

• War on Drugs

Isakatuparan natin ang War on Drugs Program ng pamahalaan, na nauwi sa pag-aresto ng 47 katao at boluntaryong pagsuko ng 667590 katao. Nasa 35.51 gramo ng shabu at 5.525 gramo ng marijuana na may halagang humigit-kumulang na P375,000 ang nakumpiska.

Sa Bayambang, “We don’t kill, we heal,” kaya kalakip ng War on Drugs ay ang paglunsad ng mga sumusunod:

– Ang Livelihood Program na tinawag nating MY BUKAS PA (Buhay Kabuhayan Sama-sama sa Pag-asa), isang outpatient rehabilitation program na nagbigay-daan sa pagtatapos ng 394 katao sa kurso
– DARE (Drug Abuse Resistance Education) Program sa Bayambang Central School
– Sports activities tulad ng Fun Run at Color Run
– Anti-Illegal Drugs Summit
– Appointment ni Dr. Nicolas Miguel bilang representative ng Dangerous Drug Board
– CBRP o Community-Based Rehabilitation Program na kung saan irerehabilitate natin ang mga drug dependents
– MASA MASID (Mamamayan Laban sa Droga at Anomalya) kasabay sa pagdaos ng unang Federalism Summit sa Region I na nilahukan ng mga 2,000 na katao.
– Plano para sa isang Rehabilitation Center

• Nagpatayo tayo ng concrete fence sa harap ng Bayambang Police Station para maprotektahan ang ating Police Station.

• Nagbigay tayo ng subsidies sa ating kapulisan.

Crime Statistics

• Nagsagawa tayo ng:

– 600 checkpoint operations na may kabuuang 9,600 man-hours
– 9 arrests dahil sa loose firearms
– 4 operations/11 arrests laban sa illegal gambling

5. Food Security

Mapunta naman tayo sa Food Security…

• Hinirang natin ang Langiran bilang pilot barangay sa aquaculture. Nagrelease tayo ng 200,000 tilapia at carp fingerlings sa Langiran Creek at gumawa ng fish cages upang buhayin ang fisheries industry dito at hikayatin ang turismo.

• Pilot barangay din ang Langiran sa agriculture. Libo-libong buto ng mga gulay para sa organic backyard gardening ang ating ipinamahagi sa 330 na pamilya.

Okra 4 cans
Pechay 3 cans
Sitaw 4 cans
Green Sili 3 cans
Ampalaya 10 cans
Kamatis 3 cans
Upo 10 cans
Talong 3 cans
Patola 10 cans
Total number of beneficiaries: 330 households

• Namahagi tayo sa mga magsasaka ng seedlings ng niyog, malunggay, at papaya, at libo-libong buto ng red rice, corn, iba’t-ibang gulay at hybrid crops, pati na rin ng fertilizers.

Seedlings/Cuttings
Coconut 5,000
Malunggay 40
Papaya 1,000

Seeds
Red rice 4 cavans
Hybrid/Inbred rice 523 bags from DAR Region I
Corn 32 bags for 32 has.
Assorted vegetables 2,000 sachets; 77 cans
Mung beans 60 kilos
Red onion 22 cans
White onion 33 cans

Fertilizers
1,000 bags from Provincial Government

• Bumili tayo ng 5 mobile solar drier at composter para sa recycling facility ng MRF upang gumawa ng organic fertilizer.

• Bumili tayo ng 1 mechanical dryer (para sa palay at mais) para sa Northern Bayambang Multipurpose Corp.

• Namahagi tayo ng 50 water pumps sa mga magsasaka under the 70-30 scheme program ng National Irrigation Administration.

• Ini-improve natin at pinalawak ang dating Municipal Nursery.

– Constructed 1 small nipa hut
– Bags potted 1,200 bags
– Seedlings propagated
Atis – 100
Langka – 328
Alugbati – 100
Gemelina – 200
Sitaw – 22
Atsuete – 7,000
Coffee (Arabica) – 1,200
Suha – 60
Sweet tamarind – 100
Sili – 30
Duhat – 13

6. Employment

Isa pang susi para makatakas sa kahirapan ay ang pagbibigay ng trabaho o hanapbuhay sa pamamagitan ng:

• Paglunsad natin ng ilang beses na job fair, na nakatulong nang malaki sa mga naghahanap ng trabaho.

Employment Data (July 2016-June 2017)

Total No. of Registered Job Seekers: 2,455
Number of Applicants in Job Fairs: 1,235
Number of Applicants in Daily Recruitments: 1,016
TOTAL 2,001

Vacancies: 3,362
Hired on the Spot (excluding unreported hiring): 804
Number of Job Fairs/Special Recruitment Activities/Local Recruitment Activities Held: 18
Recruiting Agencies & Companies: 90
Students Hired under DOLE’s Special Program for Employment of Students: 42
College Graduates Hired under DOLE’s Government Internship Program: 4
Professionals Served in Fast-Tracked PRC Servicing: 1,057
Self-Employed Skilled Workers who are TESDA Finishers: 77

• Pagkakaroon ng emergency employment program dahil sa pagpapagawa ng mga daan at iba pang construction projects.

Engineering Department Project Management Office’s Number of Construction Workers Hired
Alingan 11 Bongato East 27 Malimpec 11 Sancagulis 9
Amanperez 12 Bongato West 10 Managos 14 Sapang 13
Ambayat 1st 8 Buenlag 1st 11 Manambong Norte 13 Tampog 13
Asin 15 Buenlag 2nd 7 Manambong Parte 11 Telbang 12
Ataynan 13 Cadre Site 21 Manambong Sur 6 Tococ West 13
Bacnono 15 Caturay 20 Mangayao 11 Warding 14
Balaybuaya 27 Duera 17 Nalsian Norte 8 Wawa 20
Banaban 18 Idong 17 Nalsian Sur 11 Zone I 6
Batangcaoa 17 Inirangan 6 Poblacion Sur 13 Zone V 14
Beleng 16 Ligue 15 Reynado 8 Zone VI 25
Bical Norte 10 M.H. Del Pilar 12 San Gabriel 2nd 12
Bical Sur 10 Macayocayo 21
San Vicente 17
TOTAL: 630

• Pagkakaroon ng iba’t-ibang Sustainable Livelihood Programs (SLPs) sa tulong ng DSWD, TESDA, DepEd, Kasama Kita sa Barangay Foundation at iba pa mula sa pribadong sektor.

Courses Graduates (2016-2017)
Electrical Technician 29
Computer Software Servicing 112
Broiler Production 30
Housekeeping 28
Security Guard Training 39
Doormat-Making/Dress-Making 60
Sari-sari Store Operation 60
Duck-Raising 50
Goat-Raising 32
Body Massage (Swedish, Thai)/Reflexology/Ventosa 469
Cosmetology 75
TOTAL: 984

• Nagturo din tayo sa mga 4Ps na magkaroon ng communal vegetable gardening at iba pang projects. Wika nga “Teach them how to fish.”

Bayambang 4Ps Data
Number of 4Ps beneficiaries: 6,526
Rate of employment of trainees in Sustainable Livelihood Program: 87% (overall)
– Security Guard: 90%
– Electronics: 70%
– Housekeeping: 30%
Number of Family Development Sessions conducted: 1,290 sessions
Number of Youth Development Sessions conducted: 30 sessions
Number of communal vegetable gardens: 200 gardens

7. Operation Birthright

• Nagbigay ito ng libreng birth registration para sa 425 na residente ng Bayambang na wala pang birth certificates. Ang mga ito ay galing sa 37 barangays. Nabigyan din ang mga batang ito ng libreng tsinelas at rubber shoes galing Japan sa tulong ng Rotary Club Business Center Quezon City through Ramon Matabang, City Civil Registrar.

8. Mass Wedding

Nagdaos tayo ng Kasalang Bayan.

9. Disaster Preparedness

Para maging mas ligtas sa panahon ng sakuna…

• Ang ating MDRRMO ay may 24/7 operations na at may trained staff ito.

All MDRRM staff are certified to do:
First Aid
Basic Life Support
Ambulance Operation
Water Boat Operation and Management
Water and Urban Rescue

• Bumili tayo ng rescue vehicles at rescue equipment sa halagang P3.9M.

Rescue Equipment
– Medical, non-medical for both land and water rescue
– Including a 4×4 pick-up packed with state-of-the-art rescue equipment
and mechanism

• Nagsagawa tayo ng maraming aktibidad para sa Fire Prevention Month at Disaster Consciousness Month tulad ng fire drill at earthquake drill sa bayan at sa iba’t-ibang barangay.

Medium of Information Dissemination Used
– Trainings, Information and Education Campaign Activities
– Use of Multimedia – LIKE us on MDRRMO Bayambang
– Distribution of Posters
– Installation of Tarpaulins

Fire, Flood, Earthquake Emergency & Evacuation Information and Education Campaign & Drills
– 92% or 68 out of 72 invited schools joined our National Disaster Consciousness Month Celebration.
– 50% or 3 of the most populous, out of 6 National High Schools have undergone Emergency Preparedness Simulation Exercises.
– 75 students were declared winners of different competitions held during the Information, Trainings & Education Campaign, with P58,100 cash prizes distributed from July 2016 to June 2017.

• Nagsagawa tayo ng regular na risk reduction training sa iba’t-ibang eskwelahan at firefighting at evacuation training sa mga barangay.

• Nagsagawa tayo ng Hazard and Risk Assessment ng ating mga evacuation centers.

• Nagkaroon tayo ng 994 target inspection ng mga gusali at pasilidad, ngunit umabot sa 1,074 ang nainspect ng MDRRMO. Labindalawa (12) sa mga dapat mainspect dito ay mga bagong gusali, ngunit nakapaginspect tayo ng 37 na bagong gusali.

• Nagkaroon ang MDRRMO ng training sa WASAR o Water Search and Rescue sa tulong ng Provincial DRRMO.

III. ENVIRONMENT

Sa hangad na mapangalagaan natin ang ating kalikasan, pinagtuunan ng pansin ang:

• Paglikha ng Ecological Solid Waste Management Office

• Pagsasaayos ng ang ating Material Recovery Facility o MRF.

• Pamamahagi ng waste segregation facilities.

• Pagbili ng 1 garbage truck at iba pang mga kagamitan:
– Shredding equipment
– Rotary composter
– Plastic and styro shredder
– Pulverizer

• Paggamit ng Solid Waste Management Office ng Integrated Ecological Solid Waste Management System – P8.1M.

• Pagtatanim ng 200 bamboo seedlings at 500 coconut seedlings sa MRF.

• Pagtatanim ng 1,200 na iba’t-ibang puno at 800 tissue-cultured na bamboo seedlings galing India sa gilid ng Agno River.

• Pagtataguyod sa paggamit ng organic fertilizer at organic farming. May kapasidad na tayong gumawa ng organic fertilizer at certified ito ng UP Los Baños.

• Pagkakaroon ng vermicompost production.

• Pagkaroon ng quarterly clean-up drive sa bayan at sa ibang barangay upang iparating sa ating mga kababayan ang kahalagahan ng disiplina at kagandahan ng pagkakaroon ng malinis na lugar.

• Pagkaroon ng Barangay ‘Basura Patrollers.’

IV. ECONOMIC & INFRASTRUCTURE DEVELOPMENT

Sa larangan naman ng ekonomiya, gumawa tayo ng paraan upang magkaroon ng revenue generation programs sa pamamagitan ng mga iba’t-ibang infrastructure projects.

1. Administrative Infrastructure

• Ongoing renovation of Municipal Hall – P3.5M
Kasalukuyang ipinapaayos natin ang ating Municipio sa halagang P3.5M. Gumawa tayo ng mga bagong rooms at nag-upgrade ng mga office furniture.

• Renovation of Covered Court to Balon Bayambang Events Center
Inayos natin ang Municipal Covered Court at ginawa nating fully air-conditioned, maayos ang CR, mayroong shower rooms, at rubberized ang flooring. Ito ngayon ay ang ating Balon Bayambang Events Center.

• Ongoing renovation of Legislative Building – P5M
Kasalukuyan din nating ipinapaayos ang ating Legislative Building sa halagang P5M, kasama na ang pagbili ng bagong kagamitan.

Sa unang pagkakataon, nagpagawa tayo ng tig-iisang office para sa ating mga 8 Councilors at ABC President.

• Nagtayo ng canteen, ang Kusina ng Balon Bayambang para masustain ang feeding program ng Municipio para sa indigent malnourished children.

2. Community Infrastructure

• Core Local Access Road in 77 barangays – P36M
Nagpagawa at nagpapagawa tayo ng bagong daan sa 77 barangays sa halagang P36M. As of May 22, 2017, 43 barangays na ang may natapos na project, 7 ang ongoing, at 5 ang inuumpisahan na.

• Construction of RHU III and RHU IV – P1.6M

• Construction of 8 Police Precincts to be located in 8 districts – P2.528M

• Construction of 8 satellite markets (talipapa) – P1.333M
Nagpatayo tayo ng mga 8 satellite market o talipapa sa iba’t-ibang distrito.

Bani
Ambayat 1st
Tanolong
Warding
Macayocayo
Sanlibo
Batangcaoa
Pantol

• Nakipag-ugnayan tayo sa DILG para sa implementasyon ng Sagana at Ligtas na Tubig sa Lahat (SALINTUBIG) Program (Level 2) sa halagang P8M. Apat na barangay ang napiling mabiyayaan, at ito ay ang Barangay Dusoc, Sancagulis, Sanlibo at Bical Norte. Dahil sa programang SALINTUBIG, nagkaroon ng ligtas na maiinom na tubig ang naturang mga barangay.

3. Economic Enterprise/Infrastructure

• Renovation/Improvement of Public Market – P21.504+M

Ipinapaayos ang Public Market upang maging sanitary at world-class ito.

• Construction of Bagsakan & Food Court
Sa tulong ni ex-Vice Mayor Jose ‘Boy’ Ramos at Judith Ramos, gumawa tayo ng bagong Bagsakan at idinagdag na rin dito ang isang Food Court.

• Construction of Central Bus Terminal – P634,850
Inilipat natin ang Bus Terminal sa mas maluwang to lote sa tulong ni Josefino ‘Pinoy’ Mataban.

• Renovation of Tricycle Terminal – P1.333+M
Pinaganda at pinalaki natin ang ating Tricycle Terminal.

4. Other Infrastructure Projects

• Dineclog natin ang drainage system sa Poblacion upang mabawasan ang pagbaha sa halagang P8M – P3M galing sa PCF o Performance Challenge Fund ng DILG at 5M galing sa LGU.

• Sa tulong rin ng Performance Challenge Fund mula sa DILG, nagpapagawa tayo ng drainage sa M.H. del Pilar, Roxas, likod ng Bayambang Central School, at Zone 2. – P3M.

• Nagpapagawa ng deep well sa 8 barangays. – P421,520.

• Nagpapagawa ng welcome marker sa Calvo Bridge.

• Nakatakdang magpagawa ng mga boundary signages sa Nalsian, Malimpec, at San Vicente – P650,000.

• Pinaayos ang Bus Stop/Waiting Shed ng mga bus papuntang Manila. Mayroon itong Police Precinct sa 2nd floor.

• Nagpapatayo ng Bonery at panibagong Public Cemetery. – P11.415+M.

• Nirenovate ang Municipal Slaughterhouse.

• Pinagawa ang Municipal Canteen, ang Kusina ng Balon Bayambang, para sa feeding program para sa mga indigent malnourished children.

• Isinulong ang turismo upang ang bayan natin ay dayuhin. Pinaganda natin ang ating Public Plaza sa pamamagitan ng landscaping. Gumawa tayo ng isang magandang flower garden at higanteng Balon Bayambang signage na siya ngayong kinukunan ng selfie ng mga pumapasyal.

• Noong Disyembre, nag-attract tayo ng libo-libong bisita sa pagtatayo ng Paskuhan sa Bayambang Animated Christmas Display sa Public Plaza.

• Ang St. Vincent Ferrer Parish Church ay pinayagan ng Department of Tourism Region I na maging isang official pilgrimage site sa regional pilgrimage tour package nito.

5. What to Expect Soon

• Itatayo ang isang modernong Municipal Library sa dating tore ng NAWASA sa likod ng Municipio. Ito ay magiging e-library.

• Nakahanap tayo ng donor ng lupa na 500 sqm sa Zone VI para sa Bayambang Central Fire Station na itatayo sa taong ito sa halagang P7.3M.

• Magpapatayo ng Covered Court sa mga lugar na ito: Inirangan, Malioer, at Amanperez, at Basketball Court sa Municipal Plaza.

• Magtatayo ng 30 commercial shops sa tapat ng St. Vincent Parish Church.

• Magkakaroon ng Central Terminal sa may PSU.

6. What to Expect in 2019 and Beyond

Ngayon, samahan niyo po akong managinip…

• Road from Pantol to San Gabriel 1st to cut travel time from 45 minutes to 15 minutes

• Integrated Irrigation System

• Multi-Agri Enterprise

• A new Comprehensive Land Use Program by one of the world’s top urban planners, Felino Palafox Jr.
– New Government Center
– New Central Business District
– Document Management Capital of the Philippines in cooperation with Canon
– New Hotel
– New City Mall
– Entertainment City of the North
– Interactive Fountain Park
– Training Center
– Coliseum

PANGHULING SALITA

Ang inyo pong nasaksihan ay ang mga naging bunga ng ating taos-pusong layunin sa loob ng isang taong pamamahala.

Makikita natin na kapag mabuti ang ating adhikain, ang bawat piso sa kaban ng yaman ay mapupunta sa mga tunay na pangangailangan. Makikita rin natin na kapag malinis ang pamamahala — nakatutok sa pagresolba ng mga suliranin sa lipunan — lubos din ang pagpapala ng Panginoong Maykapal.
Hindi po natin sinasabing perpekto ang ating pamamahala, subalit kailangan natin ng isang mahusay na sistema upang ipagpatuloy na labanan ang mga balakid sa pag-unlad ─ KORAPSYON, KRIMINALIDAD, AT KAHIRAPAN.

Malinaw po ang ating mga binitiwang pangako noong ako’y nangangampanya. Sa napakalaking tiwalang ibinigay ninyo sa aking mandato, masasabi ko ng may paninindigan na hindi nasayang ang mga boto ninyo. Napatunayan na natin na hindi imposible ang pagbabago kung ating gugustuhin, at magagawa natin ito kung ang lahat ay handang makiisa, hindi dahil may personal silang pakinabang, kundi dahil sumang-ayon sila sa ating mabuting adhikain.

Ito po ay hindi laban lamang ni Cezar Quiambao, dahil inaanyayahan ko ang bawat isa sa inyo na isapuso ang ating mga magagandang layunin para sa ating minamahal na bayan ng Bayambang. Iwaksi na natin ang pulitika upang sama-sama tayong gumising sa isang bukas na puno ng pag-asa. Hindi po sapat na manatili lamang tayong nakatayo at nanonood sa mga pagbabagong nagaganap sa paligid. Panahon na upang magsama-sama at magkaisa at tumulong patungo sa inaasam nating kaunlaran.

Kapag ito ay naganap, maaari na tayong umasang muli sa magandang bukas. Kaya’t sa lahat ng Bayambangueño: Ito na ang tamang panahon, ang panahon ng BALON BAYAMBANG!

MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *