Bayambangueña, Nagdonate ng Painting sa Museum

Isang painting na likha ng isang lokal na pintor mula sa Pangasinan na si G. Bernard Paragas ang idinonate sa Bayambang Museum ngayong araw, June 26, ni Ms. Chona Terrado Cabel ng Brgy. Zone II.

 

Si Cabel ay nagpakilalang anak ng kauna-unahang Ms. Bayambang na si Dr. Jovencia Sabangan Terrado-Cabel, na dating PSU-Bayambang Dean.

 

Ayon kay Cabel, ang naturang obra na sumasalamin sa isang pagdiriwang na kung saan nagkakasiyahan ang mga tao habang nagsasayawan ay isang kaganapan sa bayan ng Bayambang tuwing kapistahan nito na sumasalamin sa mayamang kultura nito. Kaniya ring sinambit na halos inabot ng isang taon, sa kalagitnaan ng covid-19 pandemic, ang pagguhit dito dahil nakadisesyo sa painting ang mga butil ng bigas na isa rin sa mga pangunahing produkto ng bayan. Maingat at mabusisi diumano ang pagkakalikha rito dahil isa-isang kinulayan ang bawat butil ng bigas na makakapa sa mismong obrang ito.

 

Si Cabel kasama ang kaniyang batchmates sa BNHS Class of 1974 na sina Juliet de Vera-Dauz at Jessie Soriano-Cayabyab ang mismong nagdala ng painting sa Museum at nag-ikot na rin sa anila ay napakaganda at maipagmamalaking museo ng bayan.