Nasungkit ng District 9 ang kampeonato kontra District 3 sa Best of 3 championship series ng 2023 Inter-District Basketball Tournament na ginanap sa Barangay Tamaro Covered Court noong ika-1 ng Hunyo, 2023.
Naging dikdikan ang laban simula pa lang ng unang quarter, kung saan lumamang ang koponan ng District 9, 22 to 20, sa pagtatapos ng unang yugto. Naging dikit ang laban nila hanggang 4th quarter, kung saan nagpalitan sila ng lamang sa mga huling minuto ng laro. Ngunit nanaig din ang koponan ng District 9 sa mga huling segundo ng laro, sa final score na 97-91.
Ang District 9 ay nag-uwi ng P30,000 cash prize, at sila ay sinundan ng District 3 (1st runner-up: P20,000), District 5 (2nd runner-up: P15,000), at District 4 (3rd runner-up: P10,000).
Dumalo sa naturang championship game sina Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Sagarino-Vidad, gayundin sina Councilor Amory M. Junio at SK Federation President Gabriel Tristan P. Fernandez.
Ang 2023 Inter-barangay Basketball Tournament, na may temang “Isang Bola para sa Pagkakaisa, Liga Kontra Droga,” ay inorganisa sa ngalan ni Mayor Niña Jose-Quiambao nina Municipal Physical Fitness and Sports Development Council Executive Director Bernardo Jimenez, Sports Secretariat Dennis Malicdem, at mga sports committee members na sina Tito Mayo, Edward Dulay, Sergio delos Santos, Kevin Montero, at Marvin Campos.
Nagsilbing referee ang mga miyembro ng Samahang Basketball ng Pilipinas.
Abangan ang awarding ceremony sa darating na Lunes.