Itinatayong Ligue Elementary School, Ininspeksyon ng DepEd Division Office

Noong ika-15 ng Pebrero, nag-inspeksyon ang mga engineer mula sa Division Office ng Department of Education Region I sa itinatayong Ligue Elementary School, kung saan ang main building nito na may tatlong classroom at isang Principal’s Office ay idinonate ni Dr Cezar Quiambao at Mayor Niña Jose-Quiambao mula sa sariling bulsa.

 

Naroon sina Engr. Kimberly Abad at Engr. Steve Manzano, kasama si DepEd Bayambang I District Supervisor, Dr. Angelita Muñoz.

 

Nasabi ni Engr. Manzano na “well-constructed at well-planned” ang 3 classrooms at Principal’s Office, at ang bawat classroom pati na rin ang Principal’s Office ay magkakaroon ng tig-iisang comfort room.”

 

Nabanggit din ni Engr. Jun Darang, ang assigned engineer para sa Ligue Elementary School, na sa loob ng 3 to 4 na linggo ay matatapos na ang konstruksyon.

Naipangako rin ni Ligue Punong Barangay Luis Castro na buo ang kanilang suporta sa pagpapagawa ng school na ito sapagkat malaking tulong ito para sa 60% na estudyante na taga-Ligue na dumadayo pa sa kalapit na barangay ng Amanperez upang mag-aral.

 

Sa huli, nabanggit ni Dr. Muñoz na sila ay muling bibisita pagkatapos ng isang buwan.