Bayambang, CMCI Awardee Muli sa Taong 2023!

Ang LGU-Bayambang ay muling nagwagi sa ika-apat at sunud-sunod na pagkakataon, sa ginanap na Regional Awarding para sa Cities and Municipalities Competitiveness Index ng Department of Trade and Industry noong February 15.

 

Sa seremonyang ginanap sa J&V Function Hall, Sevilla, San Fernando City, La Union, itinanghal ang Bayambang bilang Top 11 nationwide (mula Top 16 noong nakaraang taon) sa Resiliency Pillar at Top 16 nationwide (mula Top 39 noong nakaraang taon) sa Government Efficiency Pillar sa kategorya ng 1st-2nd class municipalities.

 

Tinanggap ang nasabing award ni Gng. Ma-lene S. Torio, pinuno ng Municipal Planning and Development Office, bilang representante ni Mayor Niña Jose-Quiambao at ang siyang pangunahing opisina sa pagsali ng bayan sa naturang kumpetisyon.

Ang CMCI ay isang annual ranking ng National Competitiveness Council (NCC) sa tulong ng Regional Competitiveness Committee (RCC) at assistance mula sa United States Agency for International Development.

 

Ayon sa CMCI, ang Resiliency Pillar ang sumusukat sa kapasidad ng LGU na bumuo ng sistema at tumugon sa anumang sakuna na maaaring dumating anumang oras, samantalang ang Government Efficiency Pillar naman ang sumusukat sa kalidad ng serbisyo na naibibigay sa nasasakupan nito. Ang salik na ito ng CMCI ay tumitingin sa lokal na pamahalaan ng Bayambang bilang isang institusyon na hindi corrupt at kayang protektahan at ipatupad ang mga kontrata at mag-apply ng makatwirang pagbubuwis.

 

Congratulations, LGU-Bayambang!