Nakakolekta ng 102 blood bags ang blood donation drive na isinagawa ng bagong batch ng Binibining Bayambang noong ika-15 ng Pebrero sa Pavilion ng Saint Vincent Ferrer Prayer Park.
May 138 katao ang naregister for screening, at 102 sa mga ito ang nagqualify. Naging matagumpay ang bloodletting activity dahil sa pakikipagtulungan ng mga Bb. Bayambang sa RHU I, Red Cross, BPRAT, MTICAO, iba pang departamento ng LGU, at Kasama Kita sa Barangay Foundation.