Noong December 2, nagsagawa ng isang Outreach Program ang RHU III sa Brgy. Pangdel, sa tulong ng Kasama Kita sa Barangay Foundation Inc., para sa may 30 undernourished at indigent na pre-schoolers sa lugar.
Ang mga staff ay nag-ambag ng sariling resources sa aktibidad na ito, na kinabilangan ng isang lecture on nutrition and health at distribution of gift packs, toys, snacks, at damit.
Ito ang pangalawa na nilang outreach activity matapos ang isang matagumpay na trial na ginanap noong nakaraang taon sa Brgy. Carungay, kung saan nagbigay din sila ng grocery packs at food supplements.