RHU I, 2nd Runner-up sa DOH-CHD R1 Family Planning Contest

Nagwagi ang RHU I bilang 2nd runner-up sa ginanap na Family Planning Contest kung saan iprinisenta ang best practice ng LGU sa family planning sa pamamagitan ng essay writing at photos o artwork.

 

Ang paligsahan ay inorganisa ng Department of Health – Center for Health Development – Region I, at may temang “Bata, Bata, Planado Kang Ginawa.” Kasama sa patimpalak ang iba’t-ibang LGU, ospital, at private facilities.

 

Dumalo ang contestant na si RHU I nurse Mark Darius Gragasin, kasama si RHU I dentist, Dr. Dave Francis Junio, sa awarding ceremony na ginanap sa Awesome Hotel, San Juan, La Union ngayong araw, December 2.

Ang kanyang winning entry ay pinamagatang, “The Moment We Say Less is More.”