Sobrang pasasalamat ng Child Development Workers (CDWs) sa pangunguna ng kanilang President na si Estherly N. Friaz sa palaging updated na pagbibigay ng LGU ng kanilang quarterly cash incentive na P2,000 kada CDW.
Kahapon, December 2, ibinigay ang fourth quarter incentive ng mga CDWs sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park.
Simula nang umupo ang administrasyong Quiambao-Sabangan ay tuluy-tuloy na ang pagbibigay ng cash incentive para sa ating mga CDWs.
Mula sa Bayambang CDWs: “Thank you very much Mayor Niña Jose-Quiambao!”