Kabataang Bayambangueño, Nakiisa sa National Volunteer Month Celebration sa Kapitolyo

Nakiisa ang may 29 na kabataang Bayambangueño sa kick-off ceremony ng pagdiriwang ng probinsya ng Pangasinan ng National Volunteer Month 2022, na ginanap ngayong araw, December 1, sa Capitol grounds, sa pangunguna ni Governor Ramon Guico III.

 

Ang mga kabataan ay tinipon ni Local Youth Development Officer Johnson Abalos papuntang kapitolyo. Karamihan sa kanila ay mga estudyante ng PSU-Bayambang at ang ilan ay miyembro ng Sangguniang Kabataan.

 

Sila ay umattend sa opening program at nakilahok sa isang Color Run at Zumba dance/exercise at nakinig sa mga usapin ukol sa bolunterismo bilang isang mahalagang paraan upang makamit ng ating bayan ang development goals nito.