Dumating noong October 28 ang 664 bags ng inbred seeds (NSIC Rc160) mula PhilRice RCEF para sa farmers na nag-umpisa nang magtanim sa dry season 2022-2023. Bago ipamahagi ang palay sa mga nagsipagtapos ng training ng RiceBIS na miyembro ng RBAC at Pantol Farmers Association, dadaan muna ito sa inspeksyon sa darating na November 2, 2022 ng PhilRice, para masigurong pumasa ito sa mga kaukulang dokumento at mga pamantayan na kanilang itinalaga para sa mga seed growers na pinanggalingan ng buto.
331 bags @20kgs each na kayang taniman ang 165.5 hectares ng Pantol RiceBIS farmers
333 bags @20kgs each na kayang taniman ang 166.5 hectares ng RBAC farmers