LGU Lingayen, Nag-benchmarking sa ESWMO

 

Noong October 27, bumisita ang iba’t-ibang opisyal ng LGU-Lingayen sa Bayambang upang tingnan ang solid waste machinery and equipment at best practices ng ESWMO.

 

Pinangunahan ang delegasyon ni LGU-Lingayen Municipal Administrator Roberto DG. Sylim, at kasama niya sina Municipal Planning and Development Coordinator, Arch. Nelco Paul P. Coquia, Municipal Engineer John Silvester A. Tapia, Budget Officer Jeanne Irayda N. Gomez, Planning Officer II at MENRO-Designate Grace A. Satuito, at Municipal Consultant, Engr. Emilio Sison.

 

Sila ay nag-courtesy call kay Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, at pina-unlakan ng machinery demo ni MENRO Joseph Anthony Quinto sa Material Recovery Facility sa Brgy. Telbang.

 

Matapos nito, ang mga bisita ay ipinasyal din sa St. Vincent Ferrer Prayer Park at Municipal Museum.