Isang pulong ang inorganisa ng Traffic Management Council noong October 27 sa Sangguniang Bayan Session Hall upang pag-usapan ang mga hinaing ng commuters ukol sa sumusunod na isyu:
- Ang kakulangan ng bus papuntang Dagupan City
- Reklamo ng mga pasahero ukol sa serbisyo ng BAYMACDA Transport Cooperative
- Ang mga hinaing ng Reynado-Hermoza-Malioer TODA
Dito ay inimbita ang mga presidente ng transport group na may rutang Bayambang-Dagupan at ang presidente ng RHM TODA.
Ang meeting ng TMC, sa pamumuno ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini S. Vidad, bilang representante ni Mayor Niña Quiambao, ay inorganisa ng Municipal Planning ang Development Office sa pakikipagtulungan sa Sangguniang Bayan.