“Bawat Galaw, para sa Kaunlaran”: KSB Team, Dumayo sa Brgy. Malioer

Ang mga kawani ng munisipyo ay muling dumayo sa Brgy. Malioer ngayong araw, September 9, sa Malioer Elementary School upang doon naman direktang dalhin ang mga serbisyo ng gobyernong lokal sa proyektong tinaguriang Komprehensibong Serbisyo sa Bayan (KSB) Year 5.

 

Kasama ang mga taga-Malioer at taga-karatig-barangay ng Caturay at Hermoza sa tumanggap ng iba’t ibang libreng serbisyo gaya ng adult at pedia consultation at iba pang medical at dental services. Maaari ring magpabakuna laban sa COVID-19, magpagawa ng solo parent ID, magpagupit, at marami pang iba.

 

Mayroon ding tinatawag na “One-Stop Shop” kung saan maaaring magbayad ang mga residente ng kanilang real property tax (amilyar) at maglakad ng mga papeles na magmumula sa magkakaibang departamento.

 

Sa panimula ng programa, nagpugay si Malioer Elementary School Principal Rhodora S. Mondero kina Mayor Niña Jose-Quiambao at LGU heads.

Pambungad na bati naman ng representante ni Malioer Punong Barangay Oscar Padua na si Barangay Kagawad Rogelio Padua, “Anggano arawi so barangay mi, apili yo ni ya pan-ganapan, kanyan balbaleg ya salamat.”

 

Sa kanyang espesyal na mensahe, sinabi ni Mayor Niña na ang bawat galaw ng administrasyong Quiambao-Sabangan at buong lokal na pamahalaan ay para sa ikakaunlad ng bayan.

 

“Walang maiiwan na mahirap sa Bayambang; narito kami hanggang dulo,” pahayag niya.

Kabilang sa mga dumalo sina Kasama Kita sa Barangay Foundation Chief Operation Officer na si Romyl Junio, Municipal Supervising Tourism Operation Officer at

 

Bayambang Polytechnic College President, Dr. Rafael Saygo, at siyempre ang organizer ng KSB Year 5 na si Rural Health Physician, Dr. Roland M. Agbuya.

Gaya sa ibang KSB events, mayroong regalo ang bawat Bayambangueñong dumalo mula kay Mayora Niña. Kabilang dito ang food pack at vitamins para sa isang buwan.

[smartslider3 slider=2353]