21,000 Payong, Handog ni Mayor Niña sa Maulang Pasukan

21,000 Payong, Handog ni Mayor Niña sa Maulang Pasukan

 

Inanunsyo ni Mayora Niña Jose-Quiambao ngayong araw, September 12, na mamimigay ito ng 21,000 piraso ng payong para sa lahat ng elementary pupils sa 50 public elementary schools sa Bayambang.

 

Ang mga ito ay karagdagan sa nauna nang school supplies na ipinamigay kamakailan sa kanila na pinondohan namang ng Children’s Fund ng LGU.

 

Isa sa mga eskwelahang makatatanggap — ang Magsaysay Elementary School — ay sakop ng Brgy Nalneran, bayan ng Basista, subalit karamihan ng mga mag-aaral doon ay mga Bayambangueño kung kaya’t sila ay napabilang na benepisyaryo.

 

Ang munting regalong ito ay tiyak na kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral sa kanilang maulang pasukan.

 

[smartslider3 slider=2356]