SATOM Quiambao, Guest Speaker sa BIBA General Assembly

Inanyayahan si Special Assistant to the Mayor (SATOM), Dr. Cezar Quiambao, bilang guest speaker sa General Assembly ng Bayambang Integrated Business Association o BIBA noong September 8, sa Brgy. Buayaen.

 

Ang BIBA ay dati nang accredited ng Sangguniang Bayan at kabilang sa mga rehistradong miyembro ng Civil Society Organizations sa Bayambang noong nakaraang administrasyon, kaya’t patuloy itong hinihikayat ni Dr. Quiambao na muling magpaaccredit ngayong taon.

 

Hinikayat rin ng dating alkalde ang mga officers at members ng asosasyon na kumuha ng kursong Entrepreneurship sa Bayambang Polytechnic College upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo. Isa sa mga layunin ng BIBA ay magkaroon ng oportunidad na mapalawak ang market ng kanilang mga produkto sa pamamagitan ng eksportasyon ng mga ito sa ibang bansa tulad na lamang ng specialty products ng Bayambang gaya ng O-Krantz squash at onion chips.

 

Naroon din si District 3 Board Member, Engr. Vici Ventanilla, na nagbigay ng kanyang mensahe pati na sina Vice-mayor Ian Camille Sabangan, Councilor Jose ‘Boy’ Ramos, at OIC Municipal Planning and Development Officer Ma-lene Torio.

 

[smartslider3 slider=2354]