Abot hanggang tainga ang ngiti ng mga LGU employee Noong September 7, sa mga libreng serbisyong hatid ng Human Resource Management Office (HRMO) alinsunod sa selebrasyon ng 122nd Anniversary ng Civil Service Commision na ginanap sa Balon Bayambang Event Center.
Sa temang, “Transforming Public Service in the Next Decade: Honing Agile and Future-Ready Servant-Heroes,” nais ng CSC na mabigyan ng tamang alaga ang bawat kawani ng gobyerno, kaya nagkaroon ng libreng haircut, back massage, pedicure at manicure para LGU- Bayambang employees.
Base sa datos na nakalap ng HRMO, may 293 na empleyado mula sa iba’ibang departamento ang nag-avail ng mga sumusunod na serbisyo:
Manicure – 55
Pedicure – 41
Haircut – 38
Back Massage – 159
Sambit ni Mrs. Jihan C. Villanueva, “Maganda sa pakiramdam at malaking ginhawa at tipid ang ganitong serbisyong handog ng ating munisipyo. Bilang isang ina at bilang isang kawani ng ating bayan, mahirap isingit sa schedule ang pumunta sa massage parlor.”
Ayon naman kay Ranny Bulatao, isa sa mga service provider, “Masaya ako na nagugupitan ang mga kawani ng gobyerno natin, at siyempre dahil natutulungan din kami ng aking mga kasamahan.”
[smartslider3 slider=2348]