Noong Agosto 23, nagtungo ang Municipal Agriculture Office (MAO) sa Brgy. Sapang upang magsagawa ng assessment sa pananalasang sanhi ng isang peste na iniulat sa lugar. Ayon sa site investigation ng MAO, nakitaan ng sakit na tinatawag na leaf streak at leaf blast ang mga pananim na palay ng mga magsasaka roon.
Upang mapuksa ang naturang sakit, kanilang inirekomenda ang paggamit ng isang copper-based fungicide.
Napag-alaman ng MAO na ang mga magsasaka ay nauna nang gumamit ng insecticide, na hindi angkop sa pesteng iyon, kaya lumala umano ang damage.
[smartslider3 slider=2326]