MRDDM Council, Pinaghahandaan ang Bagyong Florita

Nagpulong ang Bayambang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao bilang paghahanda sa mga maaaring maging epekto ng bagyong Florita sa bayan ng Bayambang. Nitong August 22, 2022, nagkaroon ng emergency meeting ang MDRRM Council kung saan tinalakay ni MDRRM Officer Genevieve U. Benebe ang mga hakbang na ginawa na ng opisina upang mapaghandaan ng mga barangay at ng mga Bayambangueño ang paparating na bagyo.

Bagamat hindi tatama ng direkta ang bagyo sa probinsya ng Pangasinan, itinaas ang red alert status dahil sa tubig na dadaloy sa Agno river kapag nag-landfall na ito sa norte.

Pinapaalalahanan ang bawat Bayambangueño na maging handa at ligtas sa lahat ng oras at iwasan ang paglabas ng bahay kung hindi naman kinakailangan.

[smartslider3 slider=2325]