Executive-Legislative Agenda 2023-2025, Binuo sa Tulong ni DILG ASEC Pasaraba

Binuo ng lokal na pamahalaan ng Bayambang sa pangunguna ni Mayor Niña Jose-Quiambao at Vice-Mayor Ian Camille C. Sabangan ang Executive-Legislative Agenda (ELA) nito para sa unang termino, taong 2023-2025, sa ginanap na “Newly Elected Officials (NEO) Program: Creating a Roadmap for LGU Development and Formulation of the ELA-CapDev 2023-2025” sa Ortigas Center, Pasig City noong August 22-24, 2022.

Naroon lahat ng mga department at unit head, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga hepe ng DILG-Bayambang, PNP-Bayambang, BFP-Bayambang, at Department of Education-Bayambang District I at II, at ang representante ng civil society organizations.

Naging panauhing pandangal sa programa si Department of the Interior and Local Government OIC Assistant Secretary for Government, Atty. Odilon L. Pasaraba. Si Atty. Pasaraba ay nagbigay ng kanyang mga komento kung paano pa magiging mas epektibo at komprehensibo ang mga nakapaloob sa plano ng Lokal na Pamahalaan.

Ang ELA 2023-2025 ang magbibigay-direksyon sa mga programa at proyektong ipatutupad ng LGU sa susunod na tatlong taon sa ilalim ng administrasyong Quiambao-Sabangan. Ang CapDev o Capacity Development Plan naman ang magsisilbing gabay ng LGU sa mga kailangang gawin upang makapaghatid ng mas epektibong serbisyo publiko sa mga Bayambangueño.

[smartslider3 slider=2327]