Sa 3rd quarter meeting ng Stimulation and Therapeutic Activity Center (STAC) Parents Association at Bayambang Association of Persons with Disability (PWDs) Inc. ngayong araw, tinalakay nina Day Care Worker Marvin P. Bautista at Population Officer Alta Grace D. Evangelista ng MSWDO ang mga planong aktibidades para sa STAC at sa mga PWD para sa last quarter ng taon.
Sa pulong na ito na ginanap sa Aguinaldo Room ng Balon Bayambang Events Center, nagsagawa rin ng isang orientation para sa mga STAC/SPED students.
Ayon sa MSWDO, ang pasukan sa STAC Bayambang ay mag-uumpisa sa September 5, ngunit ang mga Children with Disability (CWDs) na naka-enrol sa SPED Buayaen Central School at Bayambang Central School ay pumasok na para sa kanilang first day of class kaninang umaga.
[smartslider3 slider=2324]