Ang kawalan ng proof of legal identity gaya ng birth certificate ng isang Pilipino ay nauuwi sa iba’t-ibang aberya, lalo na pagdating sa kasalan, pagpunta abroad, pag-enroll sa eskwelahan, pag-avail ng mga benepisyo mula sa gobyerno, at marami pang iba pa.
Noong August 19, dinaluhan ng 154 barangay officials at barangay health workers mula 77 barangays ang Free Delayed Registration of Birth (DROB) Briefing and Orientation sa Balon Bayambang Events Center na isinagawa ng Local Civil Registry Office (LCRO), kasama ang Philippine Statistics Authority (PSA)-Pangasinan sa ilalim ng PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP) ng ahensya.
Sa pangunguna ni Municipal Civil Registrar, Ismael D. Malicdem, Jr., ang proyektong PBRAP ay makatutulong ng malaki sa mga Bayambangueño, anuman ang edad, na magkaroon ng opisyal na pagkakilanlan sa kanilang pagkatao.
Aniya, “Ating ipriority ang mga indigenous people, seniors, at ang mga kapatid nating Muslim sa listahan. Sila ang laging nahuhuli sa pag-register base sa datos sa ating bayan.”
Ayon naman kay PSA Focal Person, Ms. Rosemarie Ortaleza, ginawaran ng PSA-Pangasinan ang LGU-Bayambang ng 837 slots para sa free registration ng negative certificate at birth certificate. Kaya kanilang inabisuhan ang mga dumalo na ikalat ang impormasyon at kumulekta ng mga datos upang malaman ang mga residente na maaaring mag-avail ng free registration.
Sa ordinaryong araw, ang pag-apply para sa late registration sa LCRO ay may bayad.
[smartslider3 slider=2323]