BPSO, Nag-refresher Course sa Traffic Management

BPSO, Nag-refresher Training sa Traffic Management

 

Noong ika-17 hanggang 19 ng Agosto 2022 ay nagkaroon ng refresher training ang mga Bayambang Public Safety Office traffic enforcers sa Pavilion I ng St. Vincent Ferrer Prayer Park. Sa naturang pagsasanay, iniangat ang kaalaman ng mga enforcers sa trapiko at mga alintuntunin ayon sa batas, kabilang na ang local ordinance.

 

Ang pagsasanay ay dinaluhan ng 31 na traffic enforcers. Ang mga ito ay sinanay ng mga taga-Highway Patrol Group (HPG) na pinangungunahan ni PCapt. Ricardo Doria at PEMS Francis Lachica na galing sa Lingayen, Pangasinan.

 

Bago mag-umpisa ang pagsasanay ay nagkaroon ng simpleng programa kung saan ay iginiit ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, na ang pagpapatupad ng batas trapiko ay dapat pantay-pantay at walang kinikilingan.

Binigyang-diin naman ni Bayambang Polytechnic College President, Dr. Rafael Saygo, ang mga alituntunin na dapat ay maging magalang, marespeto at hindi arogante sa pagpapatupad ng batas trapiko.

Si BPSO Chief, Ret. Col. Leonardo Solomon, ay nagbigay din ng mensahe ukol sa kahalagahan ng pagsasanay bilang kaagapay sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.

 

Sumunod nito ay nagbigay ng dagdag kaalaman mula sa PNP-Bayambang si PLt. Jesus Garcia Flores patungkol sa “Spiritual and Values Formation.”

Sa pagtatapos ay nagbigay din ng mensahe si Vice Mayor Ian Camille Sabangan bilang representante ni Mayora Niña Jose-Quiambao kung saan sinabi niya na mahalaga ang disiplina, na dapat magalang at palaging nakangiti sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin para hindi mabahiran ang imahe ng local government unit.

 

Payo naman ni Sangguniang Bayan Committee Chairman on Peace and Order, Councilor Martin Terrado II, dapat sumunod sa alituntunin sa batas trapiko at ipairal ang karapat-dapat na parusa sa mga hindi tumutupad sa ating ordinansa.

 

[smartslider3 slider=2321]