Ibinalita ng Landbank of the Philippines sa Lokal na Pamahalaan ng Bayambang na maaari nang magbayad ng Business Permit, Real Property Tax, at iba pang piling transaksyon sa munisipyo gamit ang Landbank online portal.
Sa pagpupulong kasama si Information and Communications Technology Officer, Mr. Ricky Bulalakaw, Municipal Treasurer, Mrs. Luisita Danan, at Chief Executive Secretary, Mrs. Carmela Atienza-Santillan, noong ika-11 ng Agosto, ibinalita ni Landbank San Carlos City Branch head, Mrs. Menchie Mencias, at ng kanyang mga kasamahan na isa na ang Bayambang sa mga Lokal na Pamahalaang naaprubahan ang online transaction sa Landbank.
Gamit ang LinkBiz Portal ng banko, hindi na kailangang magtungo ng kliyente sa munisipyo upang magbayad ng mga obligasyon katulad ng amilyar. Ipapahayag ng Landbank sa susunod na mga araw ang iba pang mga serbisyo na maaaring idaan sa LinkBiz Portal.
Isa na naman itong hakbang sa pagpapadali ng transaksyon sa LGU gamit ang teknolohiya.
[smartslider3 slider=2311]