3Q MAC Meeting | Mayora Niña, Tinugunan ang Iba’t-Ibang Hinaing ng 4PS

Sa ikatlong pagpupulong ng Municipal Action Committee (MAC) sa taong 2022 na ginanap sa Balon Bayambang Events Center noong August 12, pinangunahan ng bagong MAC Chairperson na si Mayora Niña Jose-Quiambao ang naturang meeting, sa pag-organisa ng DSWD-RFO 1 Municipal Links at MSWDO.

 

Kabilang sa mga naging paksa ang estado ng mga miyembro ng Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps, kabilang na ang pag-focus sa mga tunay na nangangailangan ng tulong mula sa lokal na pamahalaan. Kasama rin sa tinalakay ang kalagayan ng mga Sustainable Livelihood Programs ng DSWD-MSWDO.

 

Para kay Mayora Niña, mahalagang malaman kung sino ang totoong mga naghihirap na mamamayan upang matugunan ang kanilang hinaing at mapagtagumpayan ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan ng bayan.

 

Ipinabatid din niya sa pulong na tutulungan nito ang dalawang walang palikuran at 6 na miyembro ng 4Ps na nakabilang sa pinamababang income bracket base sa Social Welfare Development Indicator (SWDI) ng DSWD.

 

Nabanggit din sa pulong ni Bayambang Polytechnic College President at BPRAT Chairperson Dr. Rafael Saygo sa DSWD na isa sa mga problema ng mga nagwaive sa 4Ps ay ang educational assistance, kaya iminungkahi nitong kunin ang listahan ng mga miyembro ng 4Ps na may anak na pag-aaralin sa kolehiyo upang sila ang maging priority na maging mag-aaral sa paaralan na ito. Isa sila aniya sa mga rason kaya ipinatayo ang Bayambang Polytechnic College.

 

Naroon din sina SB Committee Chairman on Social Services, Indigents and Disabled Persons na si Councilor Benjie de Vera, at iba pang department heads ng LGU at mga representante mula sa DepEd, PNP, at CSOs.

 

[smartslider3 slider=2310]

 

 

 

 

 

 

 

+41

 

 

 

88

2 Shares

Like

Comment

Share