Sa ikalawang pagkakataon, naging motivational speaker ang isang mega-church pastor mula sa Victory Church Fort Bonifacio para sa unang bugso ng usaping nakapaloob sa Values Formation Program nina Mayor Niña Jose-Quiambao at Municipal Administrator, Atty. Rajini Sagarino-Vidad, para sa lahat ng department at unit heads at municipal consultants noong August 15 sa Niña’s Cafe.
Sa kanyang sermon, ipinaala-ala ni Pastor Jeff Eliscupidez na maikli lang ang buhay, kung kaya’t marapat lamang na ituon ito sa kung ano ang tama at ikakaluwalhati ng Diyos na lumikha, at hindi ng sinumang nilalang. Ito ay isa lamang sa mga ipinaala-ala ng pastor na isa sa mga pinuno ng isang 25,000-member church.
Si Ptr. Jeff ay malapit na kaibigan ng ama ni Mayor Niña na si G. Philip Jose, at dati nang naging speaker para sa LGU heads sa pamumuno ni dating Mayor, Dr. Cezar Quiambao.
Matatandaang naging masterclass speaker din ukol sa values at leadership si Toni Miranda sa lahat ng LGU head noong nakaraang Abril sa taong kasalukuyan.
Naroon din bilang mga participants ang mga empleyado ng Agricultural Infrastructure Leasing Corp. (AILC) na pinamumunuan ni G. Jose.
[smartslider3 slider=2312]