BOFA Officials, Nag-oathtaking

BOFA Officials, Nag-Oath-Taking

 

“You deserve to be recognized and to be given the love you also gave to our country. Saludo po ako sa inyo.” Ito ang tinuran ni Mayora Niña Jose-Quiambao sa kaniyang mensahe matapos niyang italaga ang 44 Barangay OFW officers ng Bayambang OFWs and Their Family Association (BOFA) sa pangunguna ng kanilang Presidente na si G. Joseph Ong sa Balon Bayambang Events Center ngayong August 1.

 

Mainit din ang naging pagbati nina Councilor Benjie de Vera at Mr. Joseph Anthony Quinto, OIC Municipal Employment Service Officer, sa mga OFW at kanilang mga pamilya.

 

Sinabi naman ni Municipal Administrator, Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, “Kayo talaga ang mga makabagong bayani ng ating bayan. Nararapat lamang na ibigay ang mga serbisyo na puwede nating maibigay sa mga OFW.”

 

Mensahe naman ni Vice-Mayora Ian Camille Sabangan, “Nararapat lamang po na bigyan kayo ng pagpupugay at pasasalamat. Asahan niyo po na ang LGU ay patuloy sa pagbibigay ng suporta para sa inyong lahat.”

 

Matapos ang induction ceremony, tinalakay ni G. Ong ang usapin ukol sa membership ng mga OFW sa asosasyon, ang mga house rules ng BOFA at mga benefits kapag naging miyembro at nakarehistro ang asosasyon sa DOLE.

 

[smartslider3 slider=2284]