LGU Employees, Sumalang sa Values Formation

LGU Employees, Sumalang sa Values Formation

Sa inisyatibo ni Mayora Niña Jose-Quiambao, nag-organisa ang Municipal Human Resource Management Office sa pakikipagtulungan ng Victory Church of Bayambang ng isang Values Formation Program para sa mga empleyado ng munisipyo noong August 3, sa Niñas Cafe. Nilalayon ng programa na tulungan ang mga empleyado na baguhin ang kanilang pananaw sa pagiging isang empleyado upang maging isang mahusay at tapat na lingkod-bayan.

 

Dito ay ipinaliwanag ni Victory Church Provincial Coordinator, Pastor Franco Llena, ang isang pagbasa mula sa Matthew 26:14 ng Bibliya, kung saan tumatak sa bawat puso at isipan ng mga kawani ang tatlong salitang “tinawag,” “pinagkatiwalaan,” at “ginamtimpalaan.” Paliwanag niya, “Kayong mga empleyado ay binigyan ng atensyon at pagkakataon to give your best to do your job bilang mga lingkod-bayan,” kaya’t nararapat aniya na ito ay pahalagahan.

 

Dagdag naman ni Municipal Administrator Atty. Rodelynn Rajini Sagarino-Vidad, “Ang programang ito ay para maalala ninyo kung ano ang values ng pagiging isang public servant. Ito rin ay isang opportunity to reflect on ourselves what we can change and improve on doing in our job.”

 

Sa dulo ng programa ay nagkaroon ng isang testimonyal portion kung saan nagpahayag ang mga empleyado sa kani-kanilang mga napulot na aral sa lecture.

 

[smartslider3 slider=2287]