Planning at Budgeting Rules, Ipinaala-alang Muli sa mga Barangay Officials at mga myembro ng Sangguniang Kabataan

Planning at Budgeting Rules, Ipinaala-alang Muli sa mga Barangay Officials

Inorganisa ng Municipal Planning and Development Office ang “Barangay Annual Investment Planning and Budgeting Seminar for Calendar Year 2023” sa St. Vincent Ferrer Prayer Park Pavilion 1 para sa mga Barangay Captain, Barangay Secretary, at Barangay Treasurer ngayong Agosto 2.

 

Ang taunang seminar ay naglalayong palawakin ang kaalaman ng barangay officials sa tama at maayos na pagba-budget ng kani-kanilang income.

 

Sa maikling programa ay dumalo sina Mayora Niña Jose-Quiambao, Vice-Mayora Ian Camille Sabangan, at Municipal Supervising Tourism Operations Officer, Dr. Rafael Saygo at nagbigay ng inspirasyunal na mensahe.

 

Tinalakay naman ng mga resource speaker ang mga sumusunod na paksa: “Sources of Income” (Municipal Treasurer Luisita Danan); “Annual Investment Programming” (OIC MPDO Ma-lene S. Torio at Marybel Veloria); “Budget Preparation” (Budget Officer Peter Caragan); “Crafting of Barangay Resolutions and Ordinances” (SB Secretary Joel Camacho); “Auditing” (Municipal Auditor Erlinda Alvarez); at “Legal Basis” (MLGOO Royolita Rosario).

 

Naroon din si Liga ng mga Barangay President at Bani Punong Barangay Rodelito Bautista upang magbigay ng pangwakas na mensahe.

[smartslider3 slider=2285]