MANGOs, Kabi-kabila ang Aktibidad

MANGOs, Kabi-kabila ang Aktibidad

Di paaawat ang Municipal Association of NGOs sa paggawa ng mga proyekto bilang pantapat sa mabuting pamamahala ng bagong-upong Team Quiambao-Sabangan. Dahil July is Crime Prevention Month, parte ng kanilang naging aktibidades ngayong araw ay isang lecture at information dissemination on crime prevention sa tulong ni PSSG Vina C. de Leon ng PNP.

Nagkaroon silang muli ng clean-up drive at supplemental feeding para sa mga kabataan ng ANCOP Ville sa Brgy. Sancagulis.

Nanguna siyempre sa araw na ito ang overall organizer na si MANGO President Ms. Vilma Q. Dalope, kasama ang mga sumusunod:

MSWDO Bayambang

XTREME Riders Club

Bayanihan Lions Club International

Day Care Workers Federation

Bayambang Rotary Club

Maloier Farmers Association

CVO Federation

BHW Federation

Barangay Sancagulis officials headed by Punong Barangay Marcelo Caniezo

with special participation of Vice-Mayor Ian Camille Sabangan

 

[smartslider3 slider=2198]