POSO at PNP, Laging Nakaantabay para sa Area Security, Crowd Control, Atbp.
Ang Gabi ng Pasasalamat ay matagumpay na naidaos nang walang anumang ‘di inaasahang insidente, salamat sa masusing paghahanda at pagmamatyag ng PNP at POSO.
Para rito at sa katulad na iba pang malakihang pagtitipon, nakahanda ang POSO traffic enforcers at security force upang siguraduhin ang area security at crowd control. Nakaantabay rin ang dalawang ambulansya upang makatulong at makapagbigay ng paunang lunas kung sakaling may di inaasahang mangyari. Nakamonitor naman ang ating mga CCTV operators bilang tagasubaybay at taga-ulat ng anumang iregularidad.
Nasa likod din ang Emergency Operations Center sa pangunguna ng MDRRMO kasama ang mga medics ng ating mga RHU at mga department head na kasapi ng EOC.
Nakasuporta rin ang GSO sa logistics at ESWMO sa garbage collection at disposal.
[smartslider3 slider=2199]