Rotary Club, Nagsagawa ng Outreach Activity sa Tambac
Noong July 1, ang Rotary Club of Bayambang ay naglunsad ng aktibidad na tinaguriang “Alay sa Kabataan,” sa Sitio Balangobong, Brgy. Tambac, sa pamumuno ni President Maribel Barlaan, kasama si Vice-Mayor IC Sabangan, retired teacher Fredora Victorio, at Tambac barangay officials. Ang grupo ay namahagi ng face masks, alcohol, sabon, tsinelas, at mga damit sa mga kabataan sa lugar. Ang mga batang musmos ay tinuruan ng magandang asal at pagdarasal at saka pinagmeryenda ng masustanyang pagkain.
[smartslider3 slider=2197]