Nagsimula nang ipamahagi ng Local Civil Registrar ang mga Community Service Card na inaplayan ng mga Bayambangueños simula noong 2016.
Maaari nang makuna ng mga aplikante sa iba’t-ibang barangay ang kanilang Card sa LCR Office sa bandang kanan ng Munisipyo.
> Ano ang Bayambang Community Service Card?
Ang Bayambang Community Service Card ay isang identification card (ID) na iniisyu ng munisipyo sa mga bona fide na residente ng Bayambang upang maging isang katunayan na sila ay lehitimong residente at upang magamit sa paghingi ng tulong pinansiyal at iba pang serbisyo publiko na binibigay ng Local Government Unit (LGU) ng Bayambang.
Gamit ang face verification technology sa pamamagitan ng image display sa LCD screen, ang smart card ay itinuturing na isang all-in-one ID na magiging isang pruweba na ikaw ay isang tunay na Bayambangueño.
> Saan galing ang ideyang ito?
Ito ay isang proyektong naisip ng ating Municipal Mayor na si Dr. Cezar T. Quiambao, dulot na rin ng vision-mission ng bayan ng Bayambang na maging isang ‘smart town’ sa 2017-2019, isang bayan na may mataas na antas ng information and communication technology (ICT) infrastructure at mamamayang nakikinabang sa iba’t-ibang ICT applications.
Ang ideyang ito ay hango sa pag-isyu ng Lungsod ng Makati ng BLU card para sa kanilang senior citizens at sa mga discount cards na ginagamit sa mga mall sa Maynila, subalit may pagkakaiba ang mga ito sa Bayambang Community Service Card. Ang Bayambang Community Service Card ay nakadisenyo para maging all-in-one card na maaaring magamit sa iba pang pamamamaran, tulad ng senior citizen card o discount card, atbp.
Ang smart card ay nakita ni Mayor Quiambao bilang isang paraan upang mapabilis ang mga transaksiyon ng taong-bayan sa lokal na pamahalaan at maiparating ng mas mabilisan ang serbiyo ng gobyerno maging sa mga pinakamalalayong purok at barangay ng bayan.
> Sino ang maaaring mag-apply para sa Bayambang Community Service Card?
Lahat ng bona fide na residente ng Bayambang ay maaaring mag-apply ng boluntaryo para sa Bayambang Community Service Card. Ang mga aplikante ay dapat 18 taong gulang pataas. Magtungo lamang sa Local Civil Registrar sa may Munisipyo para mag-fill out ng form at kunan ng litrato.
>Libre po ito!
Ipinaaala-ala sa lahat na ang pag-aaply para sa Bayambang Community Service Card ay libre.
[smartslider3 slider=281]