Updates mula sa Municipal Treasury Office
- Paniningil para sa mga Permit
“In our office, we are helpful, we achieve goals, we are patient, we work together, we are a TEAM, let us give Total Quality Service to all Bayambanguenos” ito ang naging mensahe Ni Municipal Treasurer Luisita B. Danan sa kanyang mga staff sa unang araw ng taong 2022.
Naging abala ang tanggapan ng Treasury sa unang buwan ng taong 2022 dahil sa pagkuha ng mga kaukulang permit gaya ng business permit, mayor’s permit, prangkisa at paniningil ng amilyar, Community Tax Certificate, at iba pang miscellaneous fees.
- Registration at Renewal ng Business Permit
Laking ginhawa para sa mga business owners ang pagkakaroon ng One Stop Shop sa munisipyo kung saan mas mapabibilis ang pag proseso ng business permit. Naitala na mayroong 46 na bilang ng mga newly registered business at 679 naman ang nag renew ng kanilang mga negosyo mula Enero 3-31, 2022.
- Pag-inspeksyon sa Medical & Diagnostic Clinic sa Brgy. Poblacion
Ininspeksyon naman ng Business Permit & Licensing Office ang isang medical & diagnostic clinic sa Barangay Poblacion Sur kung ito ba ay may kaukulang permit.
- 20% Discount sa Amilyar
Dagsaan naman ang mga property owners sa pagbabayad ng amilyar o buwis ng lupa at bahay dahil mayroong 20% discount sa tax ang mga makakaabot sa pagbayad ng kanilang buwis mula Enero hanggang sa katapusan ng Marso 2022.
- Tax Amnesty Extension
Malaki rin ang pasasalamat ng mga taxpayer dahil sa pagkakaroon ng extension ng Tax Amnesty mula Enero hanggang Hunyo 2022.
- IEC ukol sa Tax Bill at Notice of Delinquency
Patuloy ang mga staff ng Treasury sa pag-iikot sa mga barangay para sa pagfollow-up ng Tax Bill at Notice of Delinquency, kabilang na ang barangay Tamaro, Brgy. Banaban at Brgy. Nalsian Sur. Bahagi ng Tax Campaign ang ipag bigay-alam sa mga taxpayer ang tungkol sa extension ng tax amnesty.
g.Paggawad ng titulo sa Property Owners
Naigawad din sa 2 na property owners sa Brgy. Magsaysay ang kanilang titulo ng lupa matapos mabayaran ito ng buo ang sa munisipyo.
- Renewal ng MTOP at Prangkisa
Naitala naman sa Motorized Tricycle Operators Permit (MTOP) na mayroong 149 na tricycle drivers ang nag renew ng Mayor’s Permit at 26 naman ang nag renew ng prangkisa mula January 3-31, 2022. Hinihikayat lahat ng mga operators na kumuha o mag renew ng mga kaukulang permit ng kanilang mga tricycle para maiwasan ang anumang problema pagdating sa kani-kanilang prangkisa.
Patunay lamang ito na nakikiisa ang tanggapan ng Treasury sa pagbibigay serbisyo na may tatak ‘Total Quality Service’ sa ating mga kababayan.
[smartslider3 slider=1985]