Public Hearing on Land Use Reclassification
Noong February 2, ang Sangguniang Bayan (SB) Committee on Land Use and Zoning ay nagconduct ng isang public hearing sa SB Session Hall upang dinggin ang merito ng isang panukalang ordinansa na magrereclassify sa isang lote sa Brgy. Buayaen mula sa pagiging agricultural land tungo sa pagiging commercial land. Ang proponent ng proyektong ito ay ang Citihardware, isa sa mga pinakamalaking retail stores ngayon, na kasalukuyang may 76 branches sa buong Pilipinas. Ang proyektong ito ay nakatakdang magdala ng maraming trabaho at mas malaking revenue sa ating bayan.
Ipinapakita sa pagdinig na ito na mayroong mataas na kumpiyansa ang mga investors sa LGU-Bayambang, at ito ay isang indikasyon ng pagtaas ng business growth at investment at employment opportunities sa munisipalidad.
[smartslider3 slider=1986]