STRADCOM, Nagdonate ng 77 Computer Sets at Printers sa mga Barangay para sa RCBMS
“Ako’y natutuwa at ipinagmamalaki ko na ang Bayambang ay nangunguna sa pag-iimplementa ng magagandang programa at tayo rin ay nagiging model town sa buong probinsya.’’
Ito ang sinambit ni Mayor Cezar Quiambao patungkol sa implementasyon ng Bayambang Restructured Community-Based Monitoring System o RCBMS, na nauna nang iniimplementa ng munisipalidad bago pa man ito gawing institutionalized ng national government.
Kaugnay nito, inaward ang 77 computer sets at printers mula sa sariling bulsa ni Mayor Quiambao sa pamamagitan ng STRADCOM Corporation para sa proyektong ito, kung saan ibababa sa 77 barangays ang tinaguriang My Barangay Portal, kung saan itinakda ang lahat ng Barangay Nutrition Scholars (BNS) na maging in-charge sa datos ng barangay para sa RCBMS. Ang kabuuang donasyon ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang na P7.5M.
Ginanap ang turnover ceremony sa Balon Bayambang Events Center, January 31, sa pagtutulungan ng Bayambang Poverty Reduction Action Team (BPRAT), Municipal Planning and Development Office, ICT Office, at Nutrition Action Office.
Pambungad na mensahe ni Konsehal Levinson Nessus Uy, ang Sangguniang Bayan Committee Chairman on ICT, “Ang mga computer na ito ay mayroong sistema kung saan mapapabilis ang trabaho ng kawani sa barangay at isa ring paraan tungo sa modernisasyon para mapabilis ang pagbibigay-serbisyo sa inyong mga nasasakupan.’’
Paliwanag naman ni Municipal Planning and Development Coordinator Ma-lene Torio, “Itong progamang RCBMS ay pangmatagalan, maipapasa sa mga susunod na henerasyon, sapagkat ang importansiya nito ay bilang isang up-to-date at reliable database na pangserbisyo-publiko. Isa rin itong kasangkapan para maiplano ninyo ng maayos ang bawat proyekto at maenvision ninyo ang magandang future ng inyong barangay.”
Inorient rin ni ICT Officer Ricky Bulalakaw ang lahat ukol sa mga teknikal na aspeto ng RCBMS.
Dumalo rin sa programa sina Councilor Martin Terrado II, Councilor Benjie de Vera, Councilor Gerry Flores, Councilor Joseph Vincent Ramos, at mga department head, kasama rin ang 77 na Punong Barangay at Barangay Secretary.
Dagdag ni Mayor CTQ, “Matagal na proseso ang dinaanan natin at hindi madali para marating ang status ng ating RCBMS ngayon. Honestly, matagal ko nang naconceptualize ang proyektong ito. Hindi lamang ito hardware, computers at printers, yung software ang pinaka-importante sapagkat dito ninyo ilalagay ang mga datos ng inyong barangay. Hindi ninyo alam, ako ang bumili ng system na ito na nagkakahalaga ng P3M at ng bagong 77 computers at printers na nagkakahalaga rin ng almost P4.5M.”
“Pinag-iisipan at pinagpaplanuhan pa lang sa national government, dito sa Bayambang ay ginagawa na natin. Bakit tayo nauuna? Dahil gusto nating agarang makapagbigay ng tamang serbisyo publiko!”
Payo niya, “Itong RCBMS, gamitin ninyo ng tama, …sigurado ako mapagtatagumpayan natin ang Rebolusyon Laban sa Kahirapan.”
Sa huli ay hinamon ni Mayor Quiambao ang mga barangay officials: “Try to learn ang paggamit ng sistemang ito. Sana seryosohin ang RCBMS upang maiupdate ninyo taun-taon ang mga datos ng inyong bara-barangay.”
Sa kanyang pangwakas na mensahe, binigyang-diin ni Supervising Tourism Operation Officer at BPRAT Chairperson, Dr. Rafael L Saygo, na digital na ang mundo kagaya ng mga equipment ng ilang ahensiya ng gobyerno. “Laging sinasabi ni Mayor CTQ na ‘Naayos natin ang Munisipyo, kailan natin aayusin ang barangay?’
Yun ang rason kaya dinigitalize na rin natin ang barangay. Ito ang umpisa upang tulungan namin kayo na maging computerized ang barangay para dahan-dahan na maging sabay-sabay na computerized at digitalized ang bawat barangay sa Bayambang.”
Dagdag niya, “Para maappreciate at mas lalo ninyong maunawaan ang RCBMS: Isa itong pamamaraan ng lokal na pamahalaan upang maging maayos, may kongkretong datos, at mas tamang solusyon ang maibibigay ninyo sa inyong barangay.”
[smartslider3 slider=1974]