P50, 000 School Equipment at Supplies mula Kay Coun. Boying, Tinanggap ng DepEd Bayambang I at 2
Noong January 24 at 28, tumanggap ng panibagong batch ng school equipment at supplies ang DepEd Bayambang I at Bayambang II Districts, matapos paunlakan ni Sangguniang Bayan Committee on Education Chairman, Councilor Mylvin ‘Boying’ Junio, ang kanilang kahilingan gamit ang kanyang subsidy para sa financial assistance.
Ang kabuuang donasyon ay nagkakahalaga ng P50,000, na siyang pinaghatian ng dalawang distrito.
Kabilang sa donasyon ang mga electric fan, A4 bond paper, brown envelope, drum, water hose, at iba pa.
[smartslider3 slider=1973]