Mayor CTQ, Muling Namigay ng Libreng Uniporme
Sa ika-anim na pagkakataon, namigay ng libreng set ng uniporme si Mayor Cezar Quiambao para sa mga empleyado ng LGU-Bayambang.
Naatasan ding muli ang Human Resource Management Office, sa pangunguna ni Department Head Nora R. Zafra, na ipamahagi ang mga ito sa lahat ng kawani. Ayon kay Gng. Zafra, dahil sa pagsuot ng de kalidad na uniporme, nagiging presentable ang mga kawani ng pamahalaan at nadaragdagan ang kanilang tiwala sa sarili lalo na sa pagharap araw-araw sa mga kliyente.
Buong galak na nagpapasalamat ang mga empleyado dahil ang kanilang clothing allowance ay hindi nababawasan at buo nilang naiuuwi sa kanilang pamilya. Malaking tulong ito lalo na sa panahon ng pandemya.
[smartslider3 slider=1975]