70% Capacity sa PUVs, Patuloy na Ipinapatupad

POSO, Ipinatutupad ang 70% Capacity Requirement sa PUVs

 

Bilang bahagi ng pagpapatupad ng pamantayang pangkalusugan ng IATF, ipinatutupad ng POSO sa terminal ng bus dito sa bayan ng Bayambang ang 70% maximum capacity requirement. Ito ay alinsunod sa dalawang memorandum circular na ibinaba ng LTFRB, ang Memorandum Circular No. 2021-076 at Memorandum Circular No. 2021-080.

 

Araw-araw ay sinusubaybayan ng mga tauhan ng POSO ang ating mga pampublikong sasakyan at iniinspeksyon ang mga pasahero kung sumusunod ba ang mga ito sa minimum health protocol. Siyempre ito ay upang maiiwas ang lahat sa pagkalat ng COVID-19 at mapangalagaan ang kalusugan ng bawat pasahero, habang hinahayaan namang magpatuloy sa operasyon ng mga PUVs.

[smartslider3 slider=1972]

– POSO PIO