Mass Testing Ulit ng LGU Employees
Noong January 24 at 28, muling nagsagawa ang Rural Health Unit, sa tulong ng Human Resources Management Office at ng buong Bayambang COVID-19 IATF, ng mass testing ng lahat ng empleyado ng LGU-Bayambang bilang parte ng Test-Isolate-Treat strategy sa bayan upang maisawan ang pagkalat ng COVID-19 sa Munisipyo at sa lahat ng pumapasok dito.
Gaya ng dati, naging posible ang mass testing dahil sa mga PPE at rapid testing kits na donasyon ng pamilya ni Mayor Cezar Quiambao.
Mayroon ding nakalaang rapid antigen test kits para sa mga Bayambangueño na naging close contact ng positibong kaso. Kailangan lamang makipag-ugnayan sa RHU o sa inyong Barangay Health Worker para mapa-schedule ito.
[smartslider3 slider=1957]