Bayambang IATF, Pinulong ang mga Barangay Officials Ukol sa Bagong Patakaran Bunsod ng Alert Level 3
Pinulong ng Bayambang Local IATF sa ilalim ng Incident Commander nito na si Municipal Health Officer, Dr. Paz Vallo, ang mga opisyales ng 77 na barangay, kabilang ang mga kapitan, kagawad, at Barangay Health Workers, sa Events Center noong January 24 ukol sa Executive Order No. 02 o “An Order Implementing Measures in the Municipality of Bayambang, Pangasinan Under Alert Level 3.”
Ipinaliwanag ni Supervising Tourism Operation Officer at BPRAT Chairperson Rafael L. Saygo ang ukol sa nilalaman ng EO No. 02, at tinalakay naman ni Dra. Vallo ang tungkol sa COVID-19 status ng Bayambang. Nagbigay impormasyon rin ang Task Force Bakuna Chairperson na si POSO Chief, Col. Leonardo Solomon, ukol sa pagbabakuna upang maprotektahan ang lahat ng Bayambangueño sa kabila ng panibagong surge sa mga kaso. Naroon siyempre ang mga miyembro na sina MLGOO Royolita Rosario at representante mula sa PNP Bayambang.
Nagtapos ang pagtitipon na may dala-dalang impormasyon ang bawat isa upang maiparating nila sa kanilang barangay at maimplementa nang maayos ang mga bagong patakaran.
Nagpapasalamat ang buong pwersa ng Bayambang Local IATF sa kooperasyon na ipinakita ng mga barangay officials.
[smartslider3 slider=1956]