SEF Budget, Nasa P7M Na!

SEF Budget, Nasa P7M Na!

 

Nasa P7M na ang budget para sa Special Education Fund para sa taong 2022. Ito ay napag-alaman sa isang pagupulong ng Local School Board kasama si Mayor Cezar Quiambao at iba pang opisyal ng LGU sa Ninas Cafe noong January 25. Ang halagang ito ay paghahatian ng DepEd Bayambang District I at District II para sa kapakanan ng mga pampublikong eskwelahan at mga estudyante at guro nito.

 

Kasama sa mga tinalakay sa naturang pulong ang mga sumusunod: submission ng budget proposal, scholarship program, updates ukol sa pilot face-to-face classes, at objectives ng LGU patungkol sa educational sector na nakaangkla sa Bayambang Poverty Reduction Action Plan.

 

Ang SEF ay galing sa ambag na amilyar ng mga taxpayers.

 

[smartslider3 slider=1958]