POSO, to the Rescue sa mga Road Emergency
Ang POSO ay may mga nakatalagang rescuers na laging handa upang sagipin ang buhay ng ating mga motoristang nasasangkot sa mga disgrasya sa daan.
Noong nakaraang linggo ay umaabot sa 10 insidente ng road emergency ang maagap na sinaklolohan ng POSO. Binigyan nila ng kaukulang unang lunas o first aid ang mga biktima, at agarang dinala sa pinakamalapit na pagamutan.
Sa kabila nito ay ipinapaalala pa rin ni POSO Chief, Col. Leonardo Solomon na dapat ay hindi maviolate ang kasalukuyang mga health protocol sa pagsagip ng buhay sa ganitong mga road emergency situation. Bukod sa disiplina ay ipinapaalala niya rin ang magalang na pakikitungo sa mga biktima at kanilang mga kaanak sa pagtupad ng kanilang tungkulin.
[smartslider3 slider=1955]