Kaso ng Pagnanakaw, Mabilis na Naresolba Dahil sa CCTV


Isang kaso ng pagnanakaw ng traysikel ang mabilis na naresolba dahil sa matibay na ebidensiya mula sa CCTV camera.

Ayon kay Col. Vivencio B. Ramos ng Public Order and Safety Office (POSO), nag-ulat sa kanyang opisina noong Oktubre 18 ang isang nagngangalang Rowena Larozo Fernandez, taga-Bacnono, at ang kasama nito na nawawala ang kanyang traysikel na may plate number TNX-155. Sa ulat ni Fernandez, nakaparada sa Rizal Ave. sa tapat ng Bayambang Water District noong Oktubre 17 ang naturang trakysikel at ito ay kinarnap ng isang di kilalang salarin.

“Nirebyu agad namin ang aming CCTV footage, at nakita naming ninakaw ito ng isang lalaki,” paglalahad ni Col. Ramos.

“Agaran kaming nakipagcoordinate sa aming mga traffic enforcer, at noong ika-22, naaresto ang isang lalaking nagngangalang Mark Anthony dela Cruz, tubong San Carlos City, Pangasinan, at ngayo’y naninirahan sa C-3, Caloocan City, Metro Manila.”

“Nang mahuli, mabilis na inamin ni Dela Cruz ang kanyang nagawa. Siya ay dinala sa istasyon ng PNP upang maibestigahan at masampahan ng kaukulang kaso,” dagdag pa ni Col. Ramos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *