15 kabataang Bayambangueño, ginawaran ng NC II sa libreng training

Sa pagtutulungan ng Sangguniang Kabataan Federation, Kasama Kita sa Barangay Foundation, Inc., at Maxima Technical and Skills Training Institute, may 15 kabataang Bayambangueño ang magagawaran ng NC II matapos silang lumahok sa training at pumasa sa assessment sa pagiging barista.

Ginanap ang libreng training sa Royal Mall noong Agosto 31 hanggang Setyembre 24, 2021, at ang assessment naman ay noong Oktubre 2-3, 2021.

Layunin ng training na tulungan ang mga kabataang Bayambangueño na madagdagan ang kanilang kaalaman at kasanayan upang sila ay maging mabuting ehemplo sa komunidad at ang pag-asenso ay mas mabilis nilang makamtan.