Land Bank at LGU-Bayambang, magkatuwang sa pagtulong sa PhilSys registrants

Sa pakikipagtulungan ng Local Civil Registry Office ay nagkaroon ng distribusyon ang Land Bank of the Philippines noong ika-6 ng Oktubre, 2021 ng Mastercard prepaid cards para sa mga kwalipikadong PhilSys registrants sa Balon Bayambang Events Center.

Matatandaan na kasabay ng registration para sa pagkuha ng National ID ay nagkaroon rin ang Land Bank ng libreng pag-avail ng ATM card para sa mga interesadong Bayambangueño.

Ayon kay Land Bank San Carlos Branch Head, Menchie C. Mencias, “Target natin ang mga PhilSys registrants na indigent na hindi kabilang sa 4Ps at wala pang anumang bank accounts o bank cards.”

Dagdag pa niya, layunin ng national government sa programang ito na ma-address ang mga ‘unbanked’ areas at matulungan ang mga mahihirap na mamamayan sa kanilang bank transactions dahil karamihan sa kanila ay hirap na magbukas ng bank account.

Ang Mastercard prepaid cards ay maaaring magamit sa pag-loan, pagpapadala, at pagbayad sa mga grocery stores. Ito rin ang gagamitin ng gobyerno sa pagpapadala ng cash assistance o ayuda sa mga panahon ng pangangailangan.

Samantala, malugod ding ipinaalam ng Land Bank North Luzon Branches Group Senior Vice-President at Head, Ma. Belma T. Turla, na bago na ang Land Bank ATM machine ng bayan sa harap ng munisipyo.

Patuloy na nagtutulungan ang Land Bank at ang Lokal na Pamahalaan upang magbigay ng serbisyong nararapat sa mga Bayambangueño.

 

[smartslider3 slider=1779]