Umaabot sa halagang limang milyong piso ang mga kagamitan na dinonate para sa mga guro ng DepEd Bayambang District I at II sa ginanap na Quarterly Meeting ng Local School Board noong December 9 sa Niñas Café. May 26 na laptop, 26 na printer, 13,000 reams ng coupon bond, at apat na Risograph machines ang naipamahagi gamit ang pondo ng LGU at Special Education Fund kung saan malaking parte ang donasyong sahod ni Mayor Cezar T. Quiambao. Malaking tulong ang mga equipment at supplies na ito sa pagpapagaan ng pagtuturo ng mga guro sa araw-araw, lalo na ngayong panahon ng modular at online learning.
[smartslider3 slider=1313]