Sa magkahiwalay na insidente noong December 7 at 9, hinuli ng POSO personnel sa ilalim ni Col. Leonardo Solomon ang dalawang lalaking may dalang sako na may lamang sari-saring grocery items matapos silang nakitang lumalabag sa umiiral na curfew. Napag-alamang nagmula sa bayan ng Urbiztondo ang mga salarin na umaming ninakaw ang mga grocery items sa pamilihang bayan ng Bayambang.
Isang 28 anyos na babae naman mula sa Brgy. Sancagulis ang sumunod na hinuli dahil sa pagnanakaw ng assorted meat products. Ang mga suspek at nakaw na items ay kaagad na itinurn-over ng POSO sa pulisya.
[smartslider3 slider=1312]