Noong December 9, nagpatawag ng pagpupulong ang Local Housing Board, sa pakikipagtulungan ng Municipal Assessor’s Office at ng mga barangay officials ng Zone 6, ukol sa lupa ng PSU-Bayambang Campus (PSU-BC) at sa mga nakapagpatayo ng bahay doon. Nilalayon nilang maisaayos na ang di pagkakaunawaan ng dalawang kampo ukol sa property dispute sa lugar. Sa pagpupulong ay naging mediator ang Municipal Administrator, kasama ang Chief of Police, POSO Chief, Municipal Engineer, OIC-Municipal Planning and Development Officer, at Municipal Assessor.
[smartslider3 slider=1314]