Drive-Thru Breakfast for a Cause

Naging panauhing pandangal sina Vice-Mayor Raul R. Sabangan at Councilor Martin E. Terrado II sa isang Drive-Thru Breakfast for a Cause na isinagawa ng noong December 6 sa St. Vincent Ferrer Prayer Park sa pangunguna ng mga lokal na NGOs kabilang ang MANGOs, Reaction 166-Animal Kingdom Base Radio Communication Group, Xtreme Riders Club Pangasinan, at Bayambang Bayanihan Lions Club Intl.

 

Ang nalikom na salapi sa fund-raising project na ito ay gagamiting pondo para sa kanilang mga proyekto katulad ng Bahay ni Juan – isang housing project na naglalayong ipaayos ang tahanan ng mga piling indigent na residente ng bayan.

[smartslider3 slider=1311]